species ng halaman From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Salvia rosmarinus ( /ˈsælviə ˌrɒsməˈraɪnəs/[2][3]), mas karaniwang kilala bilang dumero o romero, ay isang makahoy na pangmatagalang damong-gamot na may amoy, parating berde, may parang karayom na dahon, at may bulaklak na kulay puti, rosas, murado, o bughaw na likas sa rehiyon ng Mediteraneo. Dinala ito sa Pilipinas ng mga Kastila.[4]
Rosmarinus officinalis Rosemary | |
---|---|
Dumero na namumulaklak | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | |
(walang ranggo): | |
(walang ranggo): | |
(walang ranggo): | |
Orden: | |
Pamilya: | |
Sari: | Salvia |
Espesye: | S. rosmarinus |
Pangalang binomial | |
Salvia rosmarinus | |
Hanggang noong 2017, kilala ang ito sa pangalang siyentipikong Rosmarinus officinalis ( /ˌrɒsməˈraɪnəs əˌfɪsɪˈneɪlɪs/[3]), na isang kasingkahulugan sa ngayon.[5]
Kasapi ito ng pamilyang Lamiaceae, na kinakabilangan ng maraming ibang halamang-gamot at yerba na ginagamit sa pagluluto. Tinatawag ito sa wikang Ingles bilang "rosemary" na hango mula sa Latin na ros marinus (lit. na 'hamog ng dagat').[6][7] Mayroon ang halaman ito na mahiblang sistema ng ugat.[8]
Ginagamit ang mga dahon ng dumero bilang pampalasa sa mga pagkain,[8] tulad ng rilyeno at inihaw na tupa, baboy, manok, at pabo. Ginagamit ang sariwa o tuyong dahon sa tradisyunal na lutuing Mediterano.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.