Dukado ng Amalfi
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Dukado ng Amalfi (Italyano: Ducato di Amalfi, Latin: Ducatus Amalphitanus) o ang Republika ng Amalfi (Italyano: Repubblica di Amalfi) ay isang de facto na malayang estado na nakasentro sa timog lungsod ng Amalfi ng Italya noong ika-10 at ika-11 na siglo. Ang lungsod at teritoryo nito ay orihinal na bahagi ng mas malaking ducatus Neapolitanus, na pinamamahalaan ng isang patrician, ngunit nakuha ito mula pagigigng palaasa sa mga Bisantino at unang inihalal ang isang duke (o doge) noong 958.
Sa panahon ng ika-10 at ika-11 na siglo ang Amalfi ay tinatayang mayroong populasyon na 50,000-70,000 katao.[1] Ito ay umunlad upang maging isang malakas na larangang pang-ekonomiya, isang sentro ng komersiyo na ang mga mangangalakal ay nangingibabaw sa kalakal ng Mediteraneo at Italya noong IX at X siglo, bago pa daigin at matabunan ng ibang republikang pandagat ng Hilagang Italya, tulad ng Pisa, Venecia, at Genoa. Noong 1073, nawala ang kalayaan ng Amalfi, bumagsak buhat ng Normandong pagsalakay at pagkatapos ay sa Pisa noong 1137.