![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/3/3e/DejaVu_specimen.svg/langtl-640px-DejaVu_specimen.svg.png&w=640&q=50)
DejaVu
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang DejaVu ay isang tipo ng titik na dinesenyo noong 2004. Ang mga ito ay popagbabago ng tipo ng titik na Bitstream Vera na dinisenyo para sa mas malawak na sakop ng Unicode, gayon din ang pagbibigay ng mas maraming mga estilo.
![]() | |
Kategorya | Serif, Sans (sans-serif), Sans Mono (monospace) Ibang uri: Makapal, Pahilig, Makapal na Pahilig |
---|---|
Foundry | Wala |
Petsa ng pagkalikha | 2004 |
Petsa ng pagkalabas | 2.37 / 30 Hulyo 2016; 7 taon na'ng nakalipas (2016-07-30)[1] |
Lisensya | Karapatang-ari ng Bitstream Vera Fonts, Karapatang-ari ng Arev Fonts, Publikong Dominyo[2] |
Binatay ang disenyo sa | Bitstream Vera labas (release) 1.10 |
Mga baryasyon | Serif Pinaikli (*), Sans Pinaikli (*), (*): estilong eksperimental |
Websayt | https://dejavu-fonts.github.io/ |
Makukuha ang mga tipo ng titik na DejaVu mula sa proyektong DejaVu sa GitHub. May ilang mga operating system (OpenBSD, Solaris, Haiku, AmigaOS 4, mga distribusyon ng GNU/Linux tulad ng Ubuntu, Debian, Fedora, at RHEL) ang mayroong mga tipo ng titik na DejaVu sa kanilang unang piling instalasyon,[3][4][5][6][7] at minsan ay ginagamit bilang mga tipo ng titik ng kanilang sistema. Kabilang din ang mga tipo ng titik sa propyetaryong BlackBerry OS, simula pa noong bersyong 4.5, sa ilalim ng mga pangalang "BBAlphaSans" at "BBAlphaSerif",[8] hanggang napalitan sila ng tipo ng titik na Slate nang naging BlackBerry 10.[9]