![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/1/18/Charles_Taze_Russell_sharp.jpg/640px-Charles_Taze_Russell_sharp.jpg&w=640&q=50)
Charles Taze Russell
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Charles Taze Russell (Pebrero 16, 1852 ā Oktubre 31, 1916), o Pastor Russell ay isang prominenteng restorasyonistang ministro mula sa Pittsburgh, Pennsylvania, USA, at tagapagtatag ng kilala ngayong Bible Student movement,[1][2] kung saan sumibol ang mga Saksi ni Jehovah at maraming mga independiyenteng pangkat na Bible Student pagkatapos ng kanyang kamatayan. Simula Hulyo 1879, sinimulan niyang maglimbag ng isang buwanang journal na relihiyoso na Zion's Watch Tower and Herald of Christ's Presence. Ang journal na ito ay nililimbag na ngayon ng mga Saksi ni Jehovah sa basehang kalahating-buwan sa ilalim ng pangalang The Watchtower Announcing Jehovah's Kingdom. Noong 1881, kanyang kapwa-itinatag ang Zion's Watch Tower Tract Society. Noong 1884, ang korporasyon ay opisyal na pinarehistro na si Russell ang presidente. Si Russell ay sumulat ng maraming mga artikulo, mga aklat, mga trakto, mga polyetos, at mga sermon na tinatayang may kabuuang 50,000 nilimbag na pahina. Mula 1886 hanggang 1904, kanyang nilimbag ang isang anim na bolyum na seryeng pag-aaral ng bibliya na orihinal na pinamagatang Millennial Dawn at kalaunang muling pinangalanang Studies in the Scriptures na malapit sa 20 milyong kopya ang inilimbag at ipinamahagi sa buong mundo sa ilang mga wika sa kanyang buhay. [3]
![Thumb image](http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/d/d7/Development_of_Bible_Students.jpg/640px-Development_of_Bible_Students.jpg)
Si Russell ay isang karismatikong pigura ngunit hindi nag-angkin ng anumang espesyal na pahayag o pangitain para sa kanyang mga katuruan at hindi nag-angkin ng espesyal na autoridad sa kanyang sarili.[4] Isinaad ni Russel na hindi siya naghangad na magtatag ng isang bagong denominasyon kundi ninais lamang niyang magtipon ng mga naghahanap ng katotohanan ng salita ng Diyos na jehovah sa panahon ng pag-aani.[5][6][7] Kanyang isinulat na ang "maliwanag na pagsiwalat ng katotohana" sa loob ng kanyang mga katuruan ay dahil sa "simpleng katotohanan na ang angkop na panahon ng diyos ay dumating na at kung hindi ako magsalita, at walang ibang ahente ang matatagpuan, ang mga bato ay sisigaw." [8] Kanyang nakita ang kanyang sarili at iba pang mga Kristiyano na pinahiran ng banal na espirito bialng "tagapagsalita ng Diyos" at isang embahador ni Kristo.[8] Kalaunan sa kanyang karera ay tinanggap niyang walang pagpoprotesta ang pagtingin sa kanya ng mga maraming mga Bible Student bilang ang tapat at matalinong lingkod ng Mateo 24:45.[9] Si Russel ay inilarawan ng Watch Tower pagkatapos ng kanyang kamatayan na ginawang "pinuno ng lahat ng mga pag-aari ng Panginoon".[9]