From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Castellammare di Stabia (Italyano: [kaˌstɛllamˈmaːre di ˈstaːbja]; Napolitano: Castiellammare 'e Stabbia) ay isang komuna sa Kalakhang Lungsod ng Napoles, rehiyon ng Campania, sa katimugang Italya. Matatagpuan ito sa Golpo ng Napoles mga 30 kilometro (19 mi) timog-silangan ng Naples, sa daanan patungong Sorrento.
Castellammare di Stabia Castiellammare 'e Stabbia | |
---|---|
Castellammare di Stabia with the Gulf of Naples and the Vesuvio | |
Castellammare within the Metropolitan City of Naples | |
Mga koordinado: 40°42′N 14°29′E | |
Bansa | Italya |
Lawak | |
• Kabuuan | 17.81 km2 (6.88 milya kuwadrado) |
Taas | 6 m (20 tal) |
Populasyon (2018-01-01)[2] | |
• Kabuuan | 65,922 |
• Kapal | 3,700/km2 (9,600/milya kuwadrado) |
Demonym | Stabiesi |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Kodigong Postal | 80053 |
Kodigo sa pagpihit | 081 |
Websayt | Opisyal na website |
Ang Castellammare di Stabia ay matatagpuan sa tabi ng sinaunang Romanong lungsod ng Stabiae, na nawasak buhat ng pagsabog ng Vesubio noong AD 79. Ang kastilyo, kung saan kinuha ng lungsod ang pangalan nito, ay itinayo noong ika-9 na siglo sa isang burol na namumuno sa timog na bahagi ng Golpo ng Napoles. Ito ay ipinanumbalik sa panahon ng paghahari ni Federico II ng Hohenstaufen at pinalaki ni Haring Carlos I ng Anjou.
Ang komuna, na dating tinawag na Castellamare, ay ginamit ang pangalang Castellammare noong 22 Enero 1863, at ang kasalukuyang pangalan nito ay simula noong 31 Mayo 1912.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.