Sa pisikang partikula, ang isang boson ( /ˈboʊzɒn/[1] /ˈboʊsɒn/[2]) ay isang partikulang subatomiko na ang bilang ng spin quantum ay may halagang buumbilang (0, 1, 2, ...). Binubuo ng mga boson ang isa sa dalawang uri ng pundamental na partikulang subatomiko, ang ibang isa pa ay ang mga fermion, na may spin na gansal na kalahating-buumbilang (1⁄2, 3⁄2, 5⁄2, ...). Bawat minasid na partikulang subatomiko ay alin man sa isang boson o isang fermion.
Nilikha ang pangalang boson ni Paul Dirac[3][4] upang gunitain ang kontribusyon ni Satyendra Nath Bose, isang pisikong Indiyano. Nang si Bose ay isang tagabasa (propesor sa kalaunan) sa Unibersidad ng Dhaka, Bengal (sa Bangladesh ngayon),[5][6] nakagawa siya at si Albert Einstein ng pagpapakilala ng ganoong mga partikula, na kilala na ngayon bilang estadistikang Bose–Einstein at kondensadong Bose-Einstein.[7]
Ang isang boson na panukat (Ingles: gauge boson) ay isang elementaryang partikulang baryoniko na umaakto bilang tagadala ng puwersa para elementaryang mga fermion.[8][9] Ang mga elementaryong partikula na ang mga interaksyon ay sinalarawan ng teoriyang panukat (o gauge theory) ay nakikipag-interaksyon sa bawat isa sa pamamagitan ng palitan ng mga boson na panukat, kadalasan bilang mga partikulang birtuwal.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.