From Wikipedia, the free encyclopedia
Sa matematika, ang mga bilang na Fibonacci, karaniwang tinutukoy bilang Fn, ay binubuo ang isang pagkasunud-sunod, tinatawag na pagkakasunud-sunod na Fibonacci, kung saan ang bawat bilang ay kabuuan ng dalawang sinusundan na mga bilang, simula 0 at 1. ang such that each number is the sum of the two preceding ones, starting from 0 and 1. Alalaong baga,[1]
at
para n > 1.
Ang simula ng pagkasunud-sunod ay ganito:
Ang pagkakasunud-sunod na Fibonacci ay ipinangalan kay Leonardo ng Pisa na kilala bilang Fibonacci. Ang aklat ni Fibonacci noong 1202 na pinamagatang Liber Abaci ang nagpakilala ng pagkakasunud-sunod Fibonacci sa Kanlurang Europeong matematika[3] bagaman ang pagkakasunud-sunod na ito ay unang inilarawan sa matematikang Indiyano.[4][5][6] (Sa modernong konbensiyon, ang pagkakasunud-sunod ay nagsisimula sa F0 = 0. Ang aklat na Liber Abaci ay nagsimula ng pagkakasunud-sunod na ito sa F1 = 1 na nag-aalis ng inisyal na 0 at ang pagkakasunud-sunod ito ay isinusulat pa rin ng ilan sa paraang ito.)
Ang mga bilang na Fibonacci ay malapit na kaugnay ng bilang na Lucas dahil ito ay komplementaryong pares ng pagkakasunud-sunod na Lucas. Ang mga ito ay malapit na kaugnay ng ginintuang rasyo. Halimbawa, ang pinakamalapit na apkroksimasyong rasyonal sa rasyo ay 2/1, 3/2, 5/3, 8/5, ... . Ang mga aplikasyon ng bilang na Fibonacci ay kinabibilangan ng mga algoritmo ng kompyuter gaya ng teknikong paghahanap ng Fibonacci, bunton na Fibonacci (Fibonacci heap) at mga grapong tinatawag na kubikong Fibonacci na ginagamit para sa mga magkakadugtong na paralelo at ipinamamahaging mga sistema. Ang mga ito ay lumilitaw rin sa kapaligirang pambiyolohiya[7] gaya ng pagsasanga ng mga puno, phyllotaxis (kaayusan ng mga dahon sa tangkay), sa mga usbong na prutas ng pinya,[8] sa pamumulaklak ng alkatsopas, ang pag-unat ng pako at sa kaayusan ng kono ng pino.[9]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.