From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Basilika ng Bom Jesus (Portuges: Basílica do Bom Jesus; Konkani: Borea Jezuchi Bajilika) ay isang Katoliko Romanong basilika na matatagpuan sa Goa, India, at bahagi ng mga Simbahan at kumbento ng Goa na Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO.[1][2] Ang basilika ay matatagpuan sa Old Goa, dating kabesera ng Portuges na India, at dito nakalagak ang mga labi ni San Francisco Javier.[3]
Ang 'Bom Jesus' (literal, 'Mabuti (o Banal) na Hesus') ay ang tawag sa Ecce Homo sa mga bansang napasailalim ng kolonyalismong Portuges. Ang simbahang Heswita ay ang unang basilika menor sa India, at itinuturing na isa sa mga pinakamahusay na halimbawa ng arkitekturang Baroko at arkitekturang Kolonyal ng Portuges sa India. Ito ay isa sa Pitong Kamangha-mangha sa Mundong Portuges.
Ang pagsasatayo sa simbahan ay nagsimula noong 1594. Ang simbahan ay ikinonsagrado noong Mayo 1605 ng arsobispong si Dom Fr. Aleixo de Menezes. Ang pandaigdigang pamanang monumento ay lumitaw bilang isang palatandaan sa kasaysayan ng Kristiyanismo. Naglalaman ito ng katawan ni San Francisco Javier, isang matalik na kaibigan ni San Ignacio ng Loyola na tagapagtatag ng Kapisanan ni Jesus (mga Heswita). Si Francisco Javier ay namatay sa Pulong Sancian, Chuandao (川島鎮), Taishan habang patungo sa kontinental na Tsina noong 3 Disyembre 1552.
Ang bangkay ni Francis Xavier ay unang dinala sa Portuges na Malacca at makalipas ang dalawang taon ay ipinadala pabalik sa Goa. Sinasabing ang katawan ng santo ay kasing sariwa ng araw na inilibing ito.[4] Ang mga labi ng santo ay nakakaakit pa rin ng maraming turista (kapuwa mga Kristiyano at hindi Kristiyano) mula sa buong mundo, lalo na sa mga pampublikong pagkakataong ipinapakita ang kaniyang katawan bawat dekada (huling nangyari noong 2014). Sinasabing ang santo ay naghihimala at nakagagaling.
Ito ang isa sa mga pinakalumang simbahan sa Goa at sa India. Ang sahig ay gawa sa marmol na binudburan ng mga batong hiyas. Bukod sa mga detalyadong ginintuang dambana, ang loob ng simbahan ay simple. Ang pangunahing dambana ay may isang malaking estatwa ni San Ignacio ng Loyola, ang nagtatag ng Kapisanan ni Jesus (Heswita), at isa sa mga kasama ni Francisco Javier na ang mga salita ang humantong sa kaniyang pagbabagong-buhay. "Ano ang pakinabang sa isang tao," tinanong ni Ignacio kay Francisco, "kung makamit niya ang buong mundo at mawala ang kaniyang kaluluwa?"
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.