From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Bagyong Yoyong o sa (international name: na ang tawag ay Typhoon Nanmadol), ay isang napakalakas na bagyong tumama sa Luzon noong 2004 sa Hilagang Luzon, Gitnang Luzon at CALABARZON. Ang matinding pinuruhan nito ay ang Casiguran, Aurora. Ito ay naglandfall sa Dinalungan, Aurora.
Matinding bagyo (JMA) | |
---|---|
Kategorya 4 (Saffir–Simpson) | |
Nabuo | Nobyembre 28, 2004 |
Nalusaw | Disyembre 4, 2004 |
Pinakamalakas na hangin | Sa loob ng 10 minuto: 165 km/h (105 mph) Sa loob ng 1 minuto: 240 km/h (150 mph) [1] |
Pinakamababang presyur | 935 hPa (mbar); 27.61 inHg |
Namatay | 77 ang patay |
Napinsala | $60.8 milyon (2004 USD) |
Apektado | |
Bahagi ng Panahon ng bagyo sa Pasipiko ng 2004 |
Inabisuhan na ang mga sasakyang pandagat sa eastern at western seabord ng Luzon na huwag nang pumalaot dahil sa sungit ng panahon. Inilikas na rin ang mga residente malapit sa ilog baka ito'y umapaw dahil sa dalang ulan ni Yoyong.
PSWS | LUZON | BISAYAS |
---|---|---|
PSWS #4 | Aurora | WALA |
PSWS #3 | Isabela, Quezon, Bulakan, Tarlac, Quirino, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Ifugao, Camarines Norte, Catanduanes, Pangasinan, La Union, Benguet, Abra, Mt. Province | WALA |
PSWS #2 | Cagayan, Apayao, Kalinga, Rizal, Laguna, Cavite, Batangas, Kalakhang Maynila, Bataan, Pampanga, Zambales, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Ilocos Sur, Ilocos Norte | Hilagang Samar |
PSWS #1 | Masbate, Marinduque, Romblon, Kanlurang Mindoro, Silangang Mindoro | Silangang Samar |
Binulaga ni Yoyong ang rehiyon ng Bikol, Gitnang Luzon, Hilagang Luzon kasama ang CALABARZON, at ang matinding pinuruhan nito ay ang Real, Quezon na kung saan dumaan at nanalasa ang dalawang bagyo na si Bagyong Violeta at Bagyong Winnie na may dalang malalakas na ulan at hangin bunsod na kasunod nang mga ito ay sina Bagyong Yoyong at Bagyong Zosimo.
Ang Kao-shing at ang kapitolyo nang Taiwan ay ang Taipei ay isa sa mga lugar sa Taiwan ang sinalanta ni Yoyong at nagtaas rin nang daluyong na aabot sa 4 hanggang 5 metro kaya't inabisuhan na ang mga manlalayag sa baybayin nang Taiwan na bawal nang pumalaot dahil sa Bagyong Yoyong.
Ang Tsina ay isa sa tatlong bansang huling tinamaan ni Yoyong o Nanmadol na nagdulot nang malawakang pagkabaha sa mga bayan at lungsod.
Sinundan: Winnie |
Pacific typhoon season names Nanmadol |
Susunod: Zosimo |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.