From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Bagyong Milenyo (pandaigdigang pangalan: Xangsane) ay isang bagyo na naka-apekto sa Pilipinas, Vietnam, at Thailand noong panahon ng bagyo sa hilagang-kanlurang Pasipiko ng 2006. Ang pandaigdigang bansag na Xangsane ay isinumite ng Laos at nangangahulugang "gadya" o "elepante".[4]
Matinding bagyo (JMA) | |
---|---|
Kategorya 4 (Saffir–Simpson) | |
Nabuo | Setyembre 25, 2006 |
Nalusaw | Oktubre 2, 2006 |
Pinakamalakas na hangin | Sa loob ng 10 minuto: 155 km/h (100 mph) Sa loob ng 1 minuto: 230 km/h (145 mph) |
Pinakamababang presyur | 940 hPa (mbar); 27.76 inHg |
Namatay | Hindi bababa sa 312 sa kabuuan[1][2][3] |
Napinsala | $750 milyon (2006 USD) |
Apektado | Pilipinas, Tsina, Biyetnam, Kambodya, Thailand |
Bahagi ng Panahon ng bagyo sa hilagang-kanlurang Pasipiko ng 2006 |
Nagumpisa ito noong Setyembre 25, 2006 nang mamatyagan ito sa loob ng lugar na pananagutan ng Pilipinas. Nagpalabas ang "Joint Typhoon Warning Center" ng abiso hinggil sa nabubuong unos na tinawag nilang Tropical Depression 18W.
Noong Setyembre 26, binansagan ng Japan Meteorological Agency ang bagyo bilang Xangsane. Ang Xangsane ay nangangahulugang elepante sa wikang Laos. Pagkalipas ng ilang oras, tinaguriang isang typhoon ang unos.
Tumama ang Bagyong Milenyo sa Samar noong Setyembre 27. Upang hindi magkasakuna, iniutos ng pamahalaan ng Pilipinas na huwag palayagin ang mga sasakyang dagat at huwag paliparin ang mga eroplano. Higit sa 3,500 ang hindi nakabiyahe. Ipinasara din ng pamahalaan ang mga tanggapang publiko at mga paaralan. Ito ay nag landfall sa mga bayan ng: Gamay, Northern Samar, Barcelona, Sorsogon, Castilla, Sorsogon, San Narciso, Quezon, Lucena, Calamba at sa Samal, Bataan.
PSWS | LUZON | BISAYAS |
---|---|---|
PSWS #3 | Albay, Batangas, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Cavite, Kalakhang Maynila, Laguna, Pampanga, Rizal, Tarlac, Zambales | Hilagang Samar, Silangang Samar |
PSWS #2 | Aurora, Marinduque, Kanlurang Mindoro, Silangang Mindoro,, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Romblon | Kanlurang Samar |
PSWS #1 | Benguet, Ifugao, Mountain Province, Quirino, Pangasinan | WALA |
Ayon sa mga opisyal na datos, higit sa 76 katao ang namatay sa Pilipinas at may 69 tao ang nawawala. May 13,072 bahay ang nasalanta ng bagyo at 61,076 pamilya ang naapektuhan. Ang mga malakas na hangin ng Bagyong Milenyo ang dahilan ng pagbagsak ng mga poste ng kuryente at pagkasira ng telekomunikasyon. Nawalan ng kuryente sa mga rehiyon ng Bikol, Timog Katagalugan at Gitnang Luzon.
Umalis ang bagyo noong Setyembre 29 at nagtungong Vietnam kung saan nakapatay ito ng tatlong tao.
Sinundan: Luis |
Kapalitan Mario |
Susunod: Neneng |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.