Bagyong Bising (2021)
Panahon ng bagyo sa Pasipiko ng 2021 / From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Super Bagyong Bising, kilala rin sa pangalang internasyonal nito na Surigae, Ay ang ikalawang bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility ng Pilipinas at ang ikalawang bagyo sa pasipiko ngayong 2021, Ito ay pumasok sa PAR ng Pilipinas, 6am ng umaga.
Agarang impormasyon Matinding bagyo (JMA), Nabuo ...
Matinding bagyo (JMA) | |
---|---|
Kategorya 5 (Saffir–Simpson) | |
Nabuo | Abril 12, 2021 |
Nalusaw | Abril 24, 2021 |
Pinakamalakas na hangin | Sa loob ng 10 minuto: 220 km/h (140 mph) Sa loob ng 1 minuto: 315 km/h (195 mph) |
Pinakamababang presyur | 895 hPa (mbar); 26.43 inHg |
Namatay | 8 total, 10 nawalala |
Napinsala | > $7.65 milyon (USD) |
Apektado | Mikronesya, Palau |
Bahagi ng Panahon ng bagyo sa Pasipiko ng 2021 |
Isara
Matapos itong mabigyan ng pangalan, naglabas na ng mga babala at abiso ang mga otoridad sa isla ng "Yap" sa Mikronesya, gayundin din sa mga estado ng Koror at "Kayangel" sa Palau.[1] Kalaunan, naglabas na rin ng mga babala at abiso sa bagyo sa karang ng "Ngulu" sa Mikronesya.[2] Aabot sa 30 kilometro kada oras ang bilis ng hangin na naitala sa Yap sa araw ding iyon habang dumadaan ang bagyo mula timog-kanluran.[3]