Sakop na Responsibilidad ng Pilipinas
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Sakop na Responsibilidad ng Pilipinas[lower-alpha 1], kilala rin sa Ingles bilang Philippine Area of Responsibility (PAR), ay ang sakop na responsibilidad ng PAGASA, ang pambansang ahensiyang pampanahon ng Pilipinas. Makikita ito sa hilagang-kanlurang bahagi ng Karagatang Pasipiko. Minomonitor ng PAGASA ang lahat ng mga sama ng panahon na nabubuo o pumapasok sa lugar na ito, lalo na sa mga bagyo, kung saan binibigyan nila ng pangalan ang mga ito pagpasok o pagkabuo nito rito.