Pangasiwaan ng Pilipinas sa Serbisyong Atmosperiko, Heopisiko, at Astronomiko
pambansang pangasiwaan ng Pilipinas sa meteorolohiya, hidrolohiya at astronomiya / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Pangasiwaan ng Pilipinas sa Serbisyong Atmosperiko, Heopisiko, at Astronomiko[1] (Ingles: Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, pinaikli bilang PAGASA) ay isang pambansang institusyon sa Pilipinas na nilikha upang magbigay ng mga babala tungkol sa baha at sa mga bagyo, pampublikong taya ng panahon, meteorolohiya, astronomikal at iba pang impormasyon at serbisyo na ang layunin ay ang maproteksiyonan ang buhay at ari-arian at para suportahan ang paglago at patuloy na pagbabago sa ekonomiya ng bansa. Binuo ang pangasiwaan noong 8 Disyembre 1972 sa ilalim ng Atas ng Pangulo Blg. 78 (Presidential Decree No. 78), na nagsaayos ng Kawanihan ng Panahon (Weather Bureau) upang maging PAGASA.[2]
Agarang impormasyon Buod ng Ahensya, Pagkabuo ...
Gusali ng punong tanggapan ng PAGASA | |
Buod ng Ahensya | |
---|---|
Pagkabuo | 8 Disyembre 1972 |
Superseding agency |
|
Kapamahalaan | The Philippine Area of Responsibility (PAR) |
Punong himpilan | Science Garden Complex, Daang Agham, Diliman, Lungsod Quezon |
Tagapagpaganap ng ahensiya |
|
Pinagmulan na ahensiya | Kagawaran ng Agham at Teknolohiya |
Websayt | https://bagong.pagasa.dost.gov.ph |
Isara