From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang asyenda (Kastila: ha·cien·da) ay isang pinagkaloob na lupain sa mga dating-kolonya ng Espanya. Ang may-ari ay tinatawag na asendero, asendado (Kastila: ha·cen·da·do), o patron. Katulad ito ng Romanong latifundium. Kasama ang pinagmulan sa Andalusia, ang mga asyenda ay iba't ibang plantasyon (marahil na kabilang ang mga hayop o halamanan), mga minahan o paggawaan, na may maraming asyenda na pinagsasama ang mga aktibidad. Hinango ang salitang asyenda mula sa Kastilang hacer (gumawa, mula sa Latin na facere) at haciendo (gumagawa), na tumutukoy sa mga produktibong negosyo.
Hindi tumpak ang katawagang asyenda, subalit kadalasang tumutukoy ito sa mga ari-ariang may lupain ng mahalagang laki, habang ang mga mas maliit na pag-aari ay tinatawag mga "estansya" o "rantso". Lahat ng mga kolonyal na asyenda ay halos ekslusibong pagmamay-ari ng mga Kastila at kriyolos, o bihira sa mga indibiduwal halo ang lahi.[2] Sa Arhentina, ang katawagang "estansya" ay ginagamit para sa malaking lupain na tinatawag na "asyenda" sa Mehiko.
Ang sistemang asyenda ng Arhentina, Bolivia, Chile, Colombia, Guatemala, El Salvador, Mehiko, Bagong Granada, at Peru ay isang sistemang ekonomiko ng malaking ari-arian. Ganito din ang sistema sa Pilipinas at Puerto Rico subalit mas maliit na sakop.
Sa Pilipinas, ang pamumuhay at sistemang asyenda ay naimpluwensyuhan ng kolonisasyong Kastila na naganap sa pamamagitan ng Mehiko sa loob ng higit na 300 taon, subalit tinanggap noong dekada 1850 sa utos ni Nicholas Loney,[3] isang negosyanteng Ingles at bise-konsul ng Imperyong Britaniko sa lungsod ng Iloílo. Ang layunin ni Loney, ayon kay Alfred W. McCoy,[4] ay ang sistematikong deindustralisasyon ng Iloílo.[3][5]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.