Apolinario Mabini
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Apolinario Mabini y Maranan (23 Hulyo 1864 – 13 Mayo 1903) ay isang Pilipinong abogado, tagapayo sa pangulo, at punong katiwala (o punong ministro) ng pamahalaan na kumatha sa mga alituntunin ng pagkakana o konstitusyon ng Unang Republika ng Pilipinas.
Agarang impormasyon Unang Punong Ministro ng Pilipinas, Pangulo ...
Apolinario Mabini | |
---|---|
Unang Punong Ministro ng Pilipinas | |
Nasa puwesto 23 Enero 1899 – 7 Mayo 1899 | |
Pangulo | Emilio Aguinaldo |
Diputado | Pedro Paterno |
Nakaraang sinundan | Itinatag ang katungkulan |
Sinundan ni | Pedro Paterno |
Ministro ng Ugnayang Panlabas | |
Nasa puwesto 23 Enero 1899 – 7 Mayo 1899 | |
Nakaraang sinundan | Itinatag ang katungkulan |
Sinundan ni | Felipe Buencamino |
Pansariling detalye | |
Ipinanganak | Apolinario Mabini y Maranan 23 Hulyo 1864 [1] Talaga, Silangang Indiya ng Espanya |
Namatay | 13 Mayo 1903(1903-05-13) (edad 38) Maynila, Pilipinas |
Partidong pampolitika | Katipunan |
Alma mater | Colegio de San Juan de Letran Pamantasan ng Santo Tomas |
Propesyon | Abogado |
Pirma |
Isara
Ipinanganak siya sa Talaga, Tanauan, Batangas sa isang maralitang mag-anak. Ang kanyang mga magulang ay sina Inocencio Mabini at Dionisia Maranan. Siya ay naglingkod bilang kauna-unahang punong katiwala (o punong ministro) ng pamahalaan ng Pilipinas noong taong 1900.
Si Mabini ay ginugunita sa kanyang larawan sa sampung pisong salapi na inilalabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Siya ay may bansag na "Dakilang Lumpo" o "Dakilang Paralitiko".