![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/7/7d/Flag_of_Spain_%25281785%25E2%2580%25931873%252C_1875%25E2%2580%25931931%2529.svg/langtl-640px-Flag_of_Spain_%25281785%25E2%2580%25931873%252C_1875%25E2%2580%25931931%2529.svg.png&w=640&q=50)
Silangang Indiyas ng Espanya
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Silangang Indias ng Espanya (Kastila: Indias orientales españolas), ay ang mga teritoryong pinamunuan ng Imperyong Kastila sa Asya-Pasipiko mula 1565 hanggang 1901. Sa magkakaibang panahon, naging bahagi nito ang Pilipinas, Kapuluang Mariana, Kapuluang Carolina, Palau, at Guam, pati na ang ilang mga bahagi ng Formosa (Taiwan), Sulawesi, at Kapuluang Maluku. Kaugnay nito, isa sa mga naging tradisyonal na bansag sa Hari ng Espanya ang "Hari ng Silangan at Kanlurang Indiyas."
Silangang Indias ng Espanya Indias Orientales Españolas
| |||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
1565 — 1762 1764 — 1899 | |||||||||||||||
![]() Mapa ng Silangang Indiya ng Espanya | |||||||||||||||
Katayuan | Kolonya ng Imperyo ng Espanya (Teritoryo ng Birrey ng Bagong Espanya mula 1565 hanggang 1821, at naging lalawigan ng Espanya mula 1821 hanggang 1899.) | ||||||||||||||
Kabisera | Cebu (1565-1571) Maynila (1571-1898) | ||||||||||||||
Karaniwang wika | Kastila, Tagalog, at iba pang katutubong mga wika. | ||||||||||||||
Relihiyon | Romano Katolisismo | ||||||||||||||
Monarkiya | |||||||||||||||
• 1565-1598 | Felipe II | ||||||||||||||
• 1896-1898 | Alfonso XIII | ||||||||||||||
Gobernador-Heneral | |||||||||||||||
• 1565-1572 | Miguel López de Legazpi | ||||||||||||||
• 1898 | Diego de los Ríos | ||||||||||||||
Panahon | Kolonisasyon ng mga Kastila | ||||||||||||||
• Kolonisasyon | 1565 | ||||||||||||||
1762 | |||||||||||||||
Salapi | Peso fuerte | ||||||||||||||
|
Pinangasiwaan ang mga teritoryong ito bilang bahagi ng Kapitaniya Heneral ng Pilipinas at ng Real Audiencia ng Maynila. Nagsilbi ang Cebu bilang unang kabisera nito, hanggang sa inilipat ito sa Maynila. Mula 1565 hanggang 1821, ang Bireynato ng Bagong Espanya sa Lungsod ng Mehiko ang namahala sa Silangan at Kanlurang Indiyas. Subalit, nang makamit ng Mehiko ang kalayaan mula sa Espanya, direkta itong pinamunuan ng Madrid.
Bunga ng Digmaang Espanyol-Amerikano noong 1898, sinakop ang Pilipinas at Guam ng Estados Unidos, samantalang ibinenta sa Alemanya ang malapit sa 6,000 natitirang mga pulo bunga ng Kasunduang Aleman-Espanyol ng 1899. Nang ratipikahin ang Kasunduan ng Washington noong 1901, ibinigay sa Amerika ang iilang natitirang isla sa teritoryo.