Kapuluang Mariana
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Kapuluang Mariana (na tinatawag ding Marianas) ay isang kapuluan na nabuo mula sa tuktok ng 15 mga bulkanikong bundok sa Karagatang Pasipiko. Ito ang timogang bahagi ng isang cordillera o bulubundukin sa ilalim ng dagat na umaabot ng 2,519 km mula Guam hanggang sa malapit sa bansang Hapon. Ang Marianas ang pinaka-hilagang mga isla ng Micronesia. Ang sukat nito ay 1.026 km² at matatagpuan sa silangan ng Pilipinas at timog ng Hapon.
Heograpiya | |
---|---|
Lokasyon | Pacific Ocean |
Mga koordinado | 16°37′N 145°37′E |
Pamamahala | |
United States
|
Sa usaping pampolitika, ang Guam (ang pinaka-timogang isla) ay isang teritoryong hindi inkorporado ng Estados Unidos, samantalang ang natitirang mga isla ng Marianas ay bahagi ng isang asosasyong tinatawag na Hilagang Kapuluang Mariana (Northern Mariana Islands), isang malayang estado ngunit asosyado at may kaugnayan sa Estados Unidos.