From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang monarkiya ng Thailand (na tinutukoy ang monarkiya bilang ang hari ng Thailand o sa kasaysayan, hari ng Siam; Thai: พระมหากษัตริย์ไทย) ay tumutukoy sa konstitusyunal na monarkiya ng Kaharian ng Thailand (dating Siam). Ang Hari ng Thailand ay ang puno ng estado at puno ng namumunong Makaharing Bahay ng Chakri.
Hari ng Thailand | |
---|---|
พระมหากษัตริย์ไทย | |
Nanunungkulan | |
Vajiralongkorn (Rama X) since 13 Oktubre 2016[1] | |
Detalye | |
Estilo | Kanyang Kamahalan |
Unang monarko | Sri Indraditya ng Sukhothai |
Itinatag | 1238 |
Tahanan | Grandeng Palasyo (ceremonial) Palasyong Dusit (tirahan) |
Website | royaloffice |
Bagaman, nabuo ang kasalukuyang Dinastiyang Chakri noong 1782, tradisyunal na tinuturing ang pagkakaroon ng institusyon ng monarkiya sa Thailand na nagmula sa pagkakatatag ng Kaharian ng Sukhothai noong 1238, na may maikling paghinto mula sa pagkamatay ni Ekkathat hanggang sa pag-upo ni Taksin noong ika-18 dantaon. Nabago ang institusyon sa isang monarkiyang konstitusyunal noong 1932 pagkatapos ang walang dugong dumanak na Rebolusyong Siyames ng 1932. Ang Grandeng Palasyo sa Bangkok ang opisyal na tirahang pang-sermonya ng monarkiya, habang sa Palasyong Dusit ang pribadong tirahan nito. Kasalukuyang nakakuwarantenas ang hari at naninirahan sa Grandeng Otel ng Sonnenbichl sa Alemanya.
Kabilang sa titulo ng ng hari ng Thailand ang puno ng Estado, puno ng Makaharing Sandatahang Lakas ng Thailand, lingkod ng Budismo at tagapagtaguyod ng mga relihiyon.[2]
Umunlad ang kasalukuyang konsepto ng pagkahari ng Thai sa loob ng 800 taon ng ganap na paghahari. Ang unang hari ng pinagkaisang Thailand ay ang tagapagtatag ng Kaharian ng Sukhothai, si Haring Sri Indraditya, noong 1238.[3] Sinasabing binatay ang diwa ng sinaunang pagkahari na ito sa dalawang konsepto na hinango mula sa mga paniniwalang Hinduismo at Budistang Theravada. Batay ang unang konsepto sa kastang Bediko-Hindu ng "Kshatriya" (Thai: กษัตริย์), o mandirigmang-pinuno, kung saan hinango ng hari ang kapangyarihan niya mula sa lakas ng militar. Binatay naman ang pangalawa sa konsepto ng Budistang Theravada na "Dhammaraja" (Thai: ธรรมราชา), kung saan naipakilala ang Budismo sa Thailand noong ika-6 na siglo CE. Ang diwa ng Dhammaraja (o pagkahari sa ilalim ng Dharma) ay dapat mamuno ang hari sa kanyang bayan ayon sa Dharma at sa katuruan ni Buddha.
Bahagyang pinalitan ang kaisipang ito noong 1279, nang naluklok sa trono si Haring Ramkhamhaeng. Iniwan ni Ramkhamhaeng ang tradisyon at nilikha sa halip ang isang konsepto ng "pamumunong paternal" (Thai: พ่อปกครองลูก), kung saan namumuno ang hari sa kanyang bayan bilang isang ama na pinamamahalaanan ang kanyang mga anak.[4][5] Pinalakas ang ideya na ito sa titulo at pangalan ng hari, tulad ng kung papaano sa ngayon, ang Pho Khun Ramkhamhaeng (Thai: พ่อขุนรามคำแหง)[6] na nangangahulugang 'Namumunong Amang Ramkhamhaeng'. Tumagal ito sa maikling panahon. Sa katapusan ng kaharian, bumalik muli ang dalawang naunang mga konsepto na sinisimbolo sa pamamagitan ng pagbabago sa istilo ng mga hari: napalitan ang "Pho" sa "Phaya" o Panginoon.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.