Akhenaten
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Akhenaten ( /ˌɑːkəˈnɑːtən/;[1] na binabaybay din bilang Echnaton,[6] Akhenaton,[7]
Ikhnaton,[8]
at Khuenaten;[9][10]
na nangangahulugang "buhay na espirito ni Aten") na kilala bago ang kanyang ikalimang taon ng paghahari bilang Amenhotep IV (na minsan ay ibinibigay sa anyong Griyegong Amenophis IV, at nangahulugang Si Amun ay Nasiyahan) ang Paraon ng Ikalabingwalong dinastiya ng Ehipto na namuno sa loob ng 17 taon at namatay noong 1336 BCE o 1334 BCE. Siya ay mahusay na kilala sa kanyang paglisan mula sa tradisyonal na politeismo ng Sinaunang Ehipto at pagpapakilala ng pagsambang nakasentro kay Aten na tinatawag na Atenismo at inilalarawan na monoteistiko o proto-monoteistiko. Ang simulang inskripsiyon ay nagtutulad kay Aten sa araw kumpara sa mga bituin at kalaunan, ang opisyal na wika ay umiwas na tawagin si Aten na isang diyos na nagbibigay kay Aten na katayuan na mataas sa mga diyos. Tinangka ni Akhenaten na magdulot ng isang paglisan mula sa Panteon na Ehipsiyo ngunit sa wakas ay hindi ito tinanggap. Pagkatapos ng kanyang kamatayan, ang tradisyonal na relihiyon ay unti unting ibinalik. Pagkatapos ng ilang mga dosenang taon, ang mga pinuno na walang maliwanag na mga karapatan ng paghahali sa Ikalabingwalong dinastiya ay nagtatag ng bagong dinastiya at kanilang siniraang puri si Akhenaten at ang kanyang mga kahalili. Si Akhenaten ay tinawag na "ang kaaway" sa mga talaang arkibo ng Sinaunang Ehipto.[11]
![](http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/0/02/La_salle_dAkhenaton_%281356-1340_av_J.C.%29_%28Mus%C3%A9e_du_Caire%29_%282076972086%29.jpg/640px-La_salle_dAkhenaton_%281356-1340_av_J.C.%29_%28Mus%C3%A9e_du_Caire%29_%282076972086%29.jpg)
Akhenaten Amenhotep IV | |
---|---|
Amenophis IV, Naphu(`)rureya, Ikhnaton[1] | |
Estatwa ni Akhenaten na nasa maagang estilong Amarna. | |
Pharaoh | |
Paghahari | 1353–1336 BC[2] o 1351–1334 BC[3] (Ika-18 dinastiya ng Ehipto) |
Hinalinhan | Amenhotep III |
Kahalili | Smenkhkare? o Neferneferuaten |
Royal titulary | |
Konsorte | Nefertiti Kiya Meritaten? Ankhesenamun? Isang kapatid na babaeng hindi nakikilala |
Anak | Smenkhkare? Meritaten Meketaten Ankhesenamun Neferneferuaten Tasherit Neferneferure Setepenre Tutankhamun Ankhesenpaaten-ta-sherit? |
Ama | Amenhotep III |
Ina | Tiye |
Namatay | 1336 o 1334 BC |
Libingan | Maharlikang Libingan ni Akhenaten KV55 |
Monumento | Akhetaten, Gempaaten, Hwt-Benben |
Si Akhenaten ang ama ni paraon Tutankhamun sa kanyang biolohikal na kapatid na babae.[12]