From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Paraon (Ingles: Pharaoh) ( /ˈfɛəroʊ/, /USalsoˈfeɪ.roʊ/;[3] Wikang Ehipsiyo: pr ꜥꜣ;[note 1] Coptic: ⲡⲣ̅ⲣⲟ, romanisado: Pǝrro; Biblical Hebrew: פַּרְעֹה Părʿō) ay titulo na ginamit sa mga hari o monarka ng Sinaunang Ehipto mula sa Unang dinastiya ng Ehipto (c. 3150 BCE) hanggang sa pagkakasakop sa teritoryo ng Sinaunang Ehipto ng Imperyong Romano.[4] Pero "hari" ang titulong madalas na ginagamit ng mga sinaunang Ehipsiyo para sa kanilang mga monarka, anoman ang kasarian ng mga ito, sa kalagitnaan ng Ikalabingwalong Dinastiya sa Bagong Kaharian. Sa mas naunang mga dinastiya ng Sinaunang Ehipto, tatlong pamagat ang ginamit ng mga pinuno nito: ang Horus, Sedge at Bubuyog(nswt-bjtj), at Ang Dalawang Babae o Nebty (nbtj) name.[5] Idinagdag kalaunan ang Ginintuang Horus at ang mga titulong nomen at prenomen kalaunan.[6]
Paraon ng Sinaunang Ehipto | |
---|---|
Detalye | |
Estilo | Horus, Nebty |
Unang monarko | Haring Narmer o Haring Menes (ayon sa tradisyon)
(Ang unang gamit ng pamagat ng Paraon para sa isang hari ng Ehipto ay kay Merneptah) |
Huling monarko | |
Itinatag | c. 3150 BCE |
Binuwag |
|
Tahanan |
|
Naghirang | Diyos |
pr-ˤ3 "Great house" sa hiroglipo |
---|
nswt-bjt "King of Upper and Lower Egypt" sa hiroglipo |
---|
Sentro ng pang-araw-araw na buhay ng mga mamamayan ang Sinaunang relihiyong Ehipsiyo sa lipunan ng Sinaunang Ehipto. Isa sa mga tungkulin ng Paraon ang pagiging tagapamagitan ng mga Diyos at mga tao. Kaya naman may tungkuling sibil at relihiyoso ang mga Paraon. Ang Paraon ang may-ari ng lahat ng lupain ng Sinaunang Ehipto, nagpapasá ng mga batas, naniningil ng buwis, at nagtatanggol laban sa mga mananakop na bansa bilang punong komandante ng hukbo.[7] Sa tungkuling panrelihiyon, ang Paraon ang nagsasagawa ng mga seremonya at pumipili ng mga lugar na pagtatayuan ng mga templong panrelihiyon. Tungkulin din ng Paraon ang pagpapanatili ng Maat o kaayusan ng uniberso, balanse, at hustisya. Kabilang dito ang pakikidigma laban sa mga kaaway na bansa kung kinakailangan o kapag pinaniniwalaang makadaragdag ito sa Maat, gaya ng pagkuha ng pinagkukunang-yaman.[8]
Bago ang pag-iisa ng Mataas at Mababang Ehipto, ang Deshret o "Pulang Korona" ang simbolo ng Mababang Ehipto,[9] habang ang Hedjet o "Puting Korona" naman ang isinusuot ng mga hari ng Mataas na Ehipto.[10] Pagkatapos ng pag-iisa ng dalawang kahariang ito, ang Pschent, ang pinagsamang pula at puting korona, ang naging opisyal na korona ng paraon.[11] Sa paglipas ng mga panahod, nagkaroon ng mga bagong pantakip sa ulo gaya ng Khat, Nemes, Atef, ang koronang Hemhem, at Khepresh na unang ginamit sa iba't ibang mga dinastiya.
Hango ang salitang Paraon sa salitang Ehipsyong pr ꜥꜣ, */ˌpaɾuwˈʕaʀ/ "dakilang bahay", na isinusulat gamit ang dalawang bilateral hieroglyph na pr "bahay" at ꜥꜣ "haligi", na dito ay nangangahulugang "dakila" o "mataas". Ito ang tawag sa maharlikang palasyo at ginagamit lamang sa mga pariralang gaya ng smr pr-ꜥꜣ "Tagapaglingkod ng Mataas na Bahay", na espesipikong tumutukoy sa mga gusali ng korte o palasyo.[12] Mula sa Ikalabingdalawang dinastiya ng Ehipto, lumitaw ang salitang ito sa wish formula na "Dakilang Bahay, Nawa'y Mabuhay, Sumagana, at Lumusog", ngunit muli ay tumutukoy lamang sa maharlikang palace, hindi sa isang tao.
Ang kauna-unahang halimbawa kung saan espesipikong tumukoy sa isang pinuno ang pr ꜥꜣ ay sa isang liham kay Akhenaten (naghari mula 1353–1336 BCE) na para kay "Dakilang Bahay, L, W, H, ang Panginoon".[13][14] Gayunman, may posibilidad na unang ginamit ang pr ꜥꜣ bilang pagtukoy sa tao kay Thutmose III (c. 1479–1425 BCE), depende kung mapatutunayang sa kaniya tumutukoy ang isang inskripsiyon sa Templo ng Armant.[15]
Gayunman, sa panahon ng Ikadalawampu't Isang Dinastiya (ikasampung siglo BCE), sa halip na gamitin nang mag-isa at para tumukoy sa palasyo gaya noong una, nagsimula itong mapasama sa iba pang mga titulong inilalagay bago ang pangalan ng hari, at mula noong Ikadalawampu't Limang Dinastiya (ikawalo hanggang ikapitong siglo BCE, sa pagtatapos ng Third Intermediate Period), ginamit ito bilang nag-iisang titulong pandangal na ikinakabit bago ang maharlikang titulo.
Magmula noong Ikalabinsiyam na Dinastiya, ginagamit na ang pr-ꜥꜣ nang mag-isa at kasingdalas ng s ḥm "Kamahalan".[16] Samakatwid, nagbago ang salitang ito mula sa isa na espesipikong tumutukoy sa isang gusali tungo sa isang mapagpitagang katawagan para sa pinunong naninirahan sa gusaling iyon.
Ang unang kinikilalang paglitaw ng titulong "paraon" may kinalaman sa pangalan ng isang pinuno ay matatagpuan sa Taóng 17 ni Siamun (ikasampung siglo BCE) sa isang tipak mula sa Karnak Priestly Annals, isang relihiyosong dokumento. Dito, espesipikong iniuugnay ang pagpasok ng isang indibidwal sa pagkaparing Amun sa paghahari ni "Paraon Siamun". [17] Nagpatuloy ang bagong kaugaliang ito sa tagapagmana niyang si Psusennes II, pati na sa mga sumunod na kahaliling hari ng ikadalawampu't dalawang dinastiya. Halimbawa, ang Large Dakhla stela ay espesipikong kinilala bilang mula sa Taóng 5 ng haring si "Paraon Shoshenq, minamahal ni Amun", na kinikilala ng mga Ehiptologo bilang si Shoshenq I—ang nagtatag ng Ikadalawampu't Dalawang Dinastiya—pati na ni Alan Gardiner sa kaniyang orihinal na publikasyon ng stelang ito noong 1933.[18] Si Shoshenq I ang ikalawang tagapagmana ni Siamun. Samantala, nagpatuloy ang tradisyon ng pagtukoy sa soberano bilang pr-ꜥꜣ sa mga opisyal na Ehipsyong naratibo.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.