Abadan, Iran
From Wikipedia, the free encyclopedia
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Ābādān ( pakinggan (tulong·impormasyon) Persa: آبادان, pronounced [ʔɒːbɒːˈdɒːn]) ay isang lungsod sa lalawigan ng Khuzestan sa timog-kanlurang Iran. Kabisera ito ng Kondado ng Abadan. Ito ay nasa Pulo ng Abadan (68 kilometro ang haba, 3–19 kilometro o 2–12 milya ang lapad), at ang pulo ay hinahangganan ng daanang tubig na Shatt al-Arab sa kanluran at ng labasan ng tubig ng Ilog Karun na Bahmanshir (ang Arvand Rood) sa silangan. Nasa layo itong 53 kilometro (33 mi) mula sa Golpong Persiko,[2] malapit sa hangganang Iran-Irak.
Abadan آبادان | |
---|---|
Lungsod | |
Ābādān | |
Tanaw mula sa Abadan Oil Faculty | |
Mga koordinado: 30°20′21″N 48°18′15″E | |
Bansa | Iran |
Lalawigan | Khuzestan |
Kondado | Abadan |
Distrito | Central |
Pamahalaan | |
• Alkalde | Hosein Hamid-Pour |
Lawak | |
• Urban | 1,275 km2 (492 milya kuwadrado) |
Taas | 3 m (10 tal) |
Populasyon (Senso 2016) | |
• Kapal | 167/km2 (430/milya kuwadrado) |
• Urban | 231,476 [1] |
• Ranggo ng populasyon sa Iran | Pang−40 |
Demonym | Abadani (en) |
Sona ng oras | UTC+03:30 (IRST) |
• Tag-init (DST) | UTC+04:30 (IRDT) |
Kodigo ng lugar | (+98) 061 |
Klima | BSk |
Websayt | www.Abadan.ir |
Bumaba sa halos sero ang sibilyang populasyon ng lungsod sa loob ng walong taon ng Digmaang Iran-Irak (1980–1988). Naitala lamang ng Senso 1986 ang anim na katao. Noong 1991, bumalik upang tumira sa lungsod ang 84,774 na katao.[4] Pagsapit ng 2001, tumaas ang populasyon sa 206,073 katao, at sang-ayon sa Senso 2006 ito ay nasa 217,988 katao na may 48,061 mga pamilya.[5] Isa sa pinakamalaki sa mundo ang Abadan Refinery. Umabot sa halos 350,000 katao ang populasyon sa kasalukuyan.
Tanging 9% mga tagapangasiwa ng kompanya ng langis ay mula sa Khuzestan. Tumaas ang proporsiyon ng mga katutubong buhat sa Tehran, sa Caspian, Azarbaijan at Kurdistan mula 4% ng mga obrero (blue-collar workers) sa 22% ng mga manggagawa sa opisina (white-collar workers) sa 45% ng mga tagapangasiwa, kaya natitipon lamang ang mga nagsasalita ng Arabe sa mababang mga antas ng lakas paggawa. Madalas na pinadadala sa lungsod mula sa malayong mga pook ang mga tagapangasiwa.[6] Mayroon din nag-iisang simbahang Armenyo sa gitna ng lungsod.
Ang klima sa Abadan ay matigang (Köppen climate classification BWh) at katulad mpng sa Baghdad, ngunit bahagyang mas-mainit dahil sa mas-mababang latitud ng lungsod. Tuyo at napakainit ang mga tag-init na may mga temperaturang mataas pa sa 45 °C (113 °F) halos araw-araw, at halos madalas ang mga temperaturang mataas pa sa 50 °C (122 °F). Kilala ang Abadan bilang isa sa pinakamainit na mga tinitirhang pook sa mundo at nakararanas ng maraming mga bagyo ng buhangin at alikabok. Banayad na mabasa-basa at malatagsibol ang mga taglamig, bagamat maaaring magkaroon ng napakalamig na mga panahon. Nasa 16–20 °C (61–68 °F) ang mga temperatura kapag taglamig. Ang kumpirmadong pinakamataas na temperatura sa mundo ay isang biglaang pagtaas ng temperatura sa kasagsagan ng isang heat burst noong Hunyo 1967, na may temperaturang 87 °C (189 °F).[7] Ang pinakamababang naitalang antas ng temperatura sa lungsod ay −4 °C (25 °F) na naitala noong Enero 20, 1964 at Pebrero 3, 1967, habang pinakamataas naman ang 53 °C (127 °F) na naitala noong Hulyo 11, 1951 at Agosto 9, 1981.[8]
Datos ng klima para sa Abadan (1951-2010) | |||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Buwan | Ene | Peb | Mar | Abr | May | Hun | Hul | Ago | Set | Okt | Nob | Dis | Taon |
Sukdulang taas °S (°P) | 29.0 (84.2) |
34.0 (93.2) |
39.2 (102.6) |
42.8 (109) |
48.4 (119.1) |
53.0 (127.4) |
53.0 (127.4) |
53.0 (127.4) |
49.4 (120.9) |
43.2 (109.8) |
37.0 (98.6) |
29.8 (85.6) |
53 (127.4) |
Katamtamang taas °S (°P) | 18.1 (64.6) |
20.9 (69.6) |
25.9 (78.6) |
32.2 (90) |
39.2 (102.6) |
43.8 (110.8) |
45.4 (113.7) |
45.4 (113.7) |
42.5 (108.5) |
36.1 (97) |
26.8 (80.2) |
19.9 (67.8) |
33.0 (91.4) |
Arawang tamtaman °S (°P) | 12.7 (54.9) |
15.0 (59) |
19.4 (66.9) |
25.2 (77.4) |
31.2 (88.2) |
35.2 (95.4) |
36.7 (98.1) |
36.3 (97.3) |
33.0 (91.4) |
27.5 (81.5) |
20.0 (68) |
14.3 (57.7) |
25.5 (77.9) |
Katamtamang baba °S (°P) | 7.3 (45.1) |
9.1 (48.4) |
13.0 (55.4) |
18.1 (64.6) |
23.3 (73.9) |
26.5 (79.7) |
28.0 (82.4) |
27.3 (81.1) |
23.4 (74.1) |
18.9 (66) |
13.2 (55.8) |
8.7 (47.7) |
18.1 (64.6) |
Sukdulang baba °S (°P) | −4.0 (24.8) |
−4.0 (24.8) |
−1.0 (30.2) |
7.0 (44.6) |
12.0 (53.6) |
17.0 (62.6) |
17.0 (62.6) |
19.4 (66.9) |
14.0 (57.2) |
7.0 (44.6) |
−1.6 (29.1) |
−1.0 (30.2) |
−4.0 (24.8) |
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) | 35.5 (1.398) |
20.0 (0.787) |
19.2 (0.756) |
14.4 (0.567) |
3.2 (0.126) |
0.1 (0.004) |
0.0 (0) |
0.0 (0) |
0.1 (0.004) |
3.9 (0.154) |
20.5 (0.807) |
36.4 (1.433) |
153.3 (6.035) |
Araw ng katamtamang pag-ulan | 4.7 | 3.4 | 3.3 | 2.2 | 0.9 | 0.0 | 0.0 | 0.0 | 0.0 | 0.6 | 2.6 | 4.6 | 22.3 |
Katamtamang kahalumigmigang relatibo (%) | 70 | 61 | 51 | 44 | 33 | 26 | 28 | 31 | 34 | 45 | 58 | 69 | 45 |
Buwanang tamtaman ng sikat ng araw | 180.6 | 195.0 | 222.3 | 221.6 | 262.9 | 292.1 | 305.1 | 290.4 | 290.4 | 263.4 | 202.4 | 182.5 | 2,908.7 |
Sanggunian: Iran Meteorological Organization (records),[8] (temperatures),[9] (precipitation),[10] (humidity),[11] (days with precipitation),[12] (sunshine)[13] |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.