Abadan, Iran
Ang Ābādān ay isang lungsod sa lalawigan ng Khuzestan sa timog-kanlurang Iran. Kabisera ito ng Kondado ng Abadan. Ito ay nasa Pulo ng Abadan, at ang pulo ay hinahangganan ng daanang tubig na Shatt al-Arab sa kanluran at ng labasan ng tubig ng Ilog Karun na Bahmanshir sa silangan. Nasa layo itong 53 kilometro (33 mi) mula sa Golpong Persiko, malapit sa hangganang Iran-Irak.
Read article