Ang Ikatlong Aklat ng mga Hari[1] ay isang aklat sa Lumang Tipan ng Bibliya na sumusunod sa Una at Ikalawang Aklat ni Samuel. Pinaniniwalaang nasulat ang librong ito kasama ng kasunod na 4 Mga Hari noong mga 600 BK, na sinanib ang iba pang mga karagdagan mga limampung taon pa ang nakalipas[1]

Karagdagang impormasyon Lumang Tipan ng Bibliya ...
Lumang Tipan ng Bibliya

Isara
Agarang impormasyon Mga Unang Propeta, Mga Sumunod na Propeta ...
Isara

Dapat lamang tandaan na katumbas ang Ikatlong Aklat ng mga Hari (o 3 Mga Hari) ng 1 Mga Hari sa Bibliyang Ebreo.[2]

Paglalarawan

Ibinubungad ng Ikatlong Aklat ng mga Hari ang mga huling panahon sa buhay ni Haring David at nagpapatuloy sa paghahari ng Haring Solomon at pagtatayo ng isang templo sa Herusalen. Nang sumakabilang-buhay si Solomon, nahati ang bayan sa dalawang magkahiwalay na mga kaharian: ang Israel ang Judah. Tinalakay din ng librong ito ang mga sumunod na mga pinuno ng bawat kaharian.[1]

Layunin

Bagaman sumangguni sa mga kaalamang pangkasaysayan ang may-akda ng aklat, pangunahing layunin ng sumulat ang pagkakaugnay sulatin sa pananampalataya. May kaugnayan siya sa propetang si Elias at hinusgahan niya ang bawat hari ayon sa "pagsunod niya sa kalooban ng Diyos" at sa kaniyang pagtanggi sa pagsamba sa mga idolo. Sa kaniyang pananaw, nabigo ang lahat ng mga hari ng Israel, at ang tanging mga mabubuting mga hari ay yaong dalawang namuno sa Judah: sina Ezekias at Josias (Josiah). Ipinababatid ng may-akda ang isang mensaheng may kaugnayan sa paksa ng aklat ng Deuteronomio, na "sang-ayon sa pagsunod sa kalooban ng Diyos ang pambansang tagumpay," at naghahatid naman ng kaparusahan ng Diyos ang "pagtalilis mula sa pananampalataya."[1]

Tignan din

Mga sanggunian

Mga panlabas na kawing

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.