Map Graph

Doha

Ang Doha ay ang kabisera ng Qatar. Kilala ito bilang ang maliit na bersyon ng Dubai dahil sa arkitektura nito na parang nasa hinaharap. Mas marami ang tao dito kaysa sa pinagsamang mga natitirang bahagi ng Qatar, na may populasyon na 2,382,000 noong 2018. Matatagpuan ang lungsod sa baybayin ng Golpong Persiko sa silangan ng bansa, sa hilaga ng Al Wakrah at sa timog ng Al Khor. Ito ang pinakamabilis na lumagong lungsod sa Qatar, na may higit sa 80% ng populasyon ng bansa ang naninirahan sa Doha o sa palibot nitong arabal. Ito ang sentrong pampolitika at ekonomiko ng bansa.

Read article
Talaksan:Doha_skyline_in_the_morning_(12544910974).jpgTalaksan:Ad_Dawhah_in_Qatar_2015.svg