From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Wikipediang Koreano (Koreano: 한국어 위키백과, romanisado: Han-gugeo Wikibaekgwa) ay edisyon ng Wikipedia sa wikang Koreano. Itinatag ito noong Oktubre 2002 at umabot ito sa sampung libong artikulo noong Hunyo 4, 2005.[1] Pagsapit ng Oktubre 13, 2024, ito ang ika-23 pinakamalaking Wikipedia, na may 687,516 artikulo at 1,890 aktibong tagagamit.[2]
"Wikipedia – ang malayang ensiklopedya na pag-aari nating lahat." | |
Uri ng sayt | Proyektong ensiklopedya sa internet |
---|---|
Mga wikang mayroon | Koreano |
Punong tanggapan | Seoul |
May-ari | Pundasyong Wikimedia |
URL | ko.wikipedia.org |
Pang-komersiyo? | Hindi |
Pagrehistro | Opsiyonal |
Wikipediang Koreano | |
Hangul | 한국어 위키백과 |
---|---|
Hanja | 韓國語 위키百科 |
Binagong Romanisasyon | Hangugeo Wiki Baekgwa |
McCune–Reischauer | Han'gugŏ Wiki Baekkwa |
Madalas itong inihahambing sa Namuwiki, isa pang wiki websayt sa wikang Koreano, na hindi nangangailangan ng mga sanggunian at pinapayagan ang mga katawa-tawa sa kanilang mga artikulo.[3] Pagsapit ng Disyembre 2022, halos 4,760,171 pangunahing artikulo (pati ridirek) ang nilalaman ng Namuwiki,[4] kumpara sa 3,293,525 pahina (pati ridirek) sa Wikipediang Koreano pagsapit ng Oktubre 2024.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.