From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Bulgaro (bălgarski) ay isang wikang Indo-Europeo na kasapi ng sangay Timog Slavonic ng mga wikang Slavonic.
Bulgaro | |
---|---|
български език bǎlgarski ezik | |
Katutubo sa | Bulgarya, Turkiya, Serbiya, Gresya, Ukranya, Moldova, Rumanya, Albanya, Kosovo, Republika ng Masedonya at sa mga pamayanan nga mga nandarayuhan sa ibayong dagat |
Rehiyon | Timog-silangang Europa |
Mga natibong tagapagsalita | 9 milyon (2005–2012)[1][2][3][4] |
Indo-Europeo
| |
Mga diyalekto |
|
Siriliko (alpabetong Bulgaro) Braille ng Bulgaro Latin (Banat Bulgarian) | |
Opisyal na katayuan | |
Bulgaria European Union | |
Kinikilalang wika ng minorya sa | |
Pinapamahalaan ng | Surian ng Wikang Bulgaro sa Akademiya ng Agham ng Bulgarya (Институт за български език към Българската академия на науките (БАН)) |
Mga kodigong pangwika | |
ISO 639-1 | bg |
ISO 639-2 | bul |
ISO 639-3 | bul |
Glottolog | bulg1262 |
Linguasphere | 53-AAA-hb < 53-AAA-h |
Bulgaro ang opisyal na wika ng Bulgaria. Sinasalita din ito sa Canada, Gresya, Hungary, Israel, Moldova, Republika ng Masedonya, România, Rusya, Serbia, Turkiya, Ukraine, Nagkakaisang Kaharian (UK), at sa Estados Unidos. Pinapalagay sa 12 milyon ang kabuuang bilang ng mga katutubong tagapagsalita ng Bulgaro.
Ayon sa ilang mga linggwista, kasama na ang halos lahat ng mga nasa Bulgaria at Gresya, ang wikang Masedonyo ay isang rehyonal na diyalekto lamang ng Bulgaro.
Nagpapakita ang Bulgaro ng maraming mga innobasyong linggwistiko na nagpapatanyag dito mula sa iba pang mga wikang Slavonic, kasama na ang pagkawala ng deklinasyong pampangngalan, ang pagkadevelop ng isang hinuhulaping tiyak na pantukoy (posibleng minana mula sa naunang wika ng mga Bulgaro), ang kawalan ng anyong pawatas ng mga pandiwa, at ang pagpapanatili ng sistemang pampandiwang proto-Slavonic. May mga iba’t ibang anyong pampandiwa na ginagamit upang magpahayag ng mga kilos na di-nasaksihan, ikwinento muli, o dinududa.
Bahagi ang Bulgaro sa unyong linggwistikong Balkan, kung saan kasama din ang Griyego, Romanian, Albanes, at ang ilang mga diyalekto ng Serbyo. Karamihan sa mga wikang ito ang nagtatanyag ng mga karakteristikang binanggit sa itaas (e.g., tiyak na pantukoy, pagkawala ng pawatas, komplikadong sistemang pampandiwa) atbp. Gayumpaman, tila natatatangi ang Bulgaro mula sa ibang mga wikang Slavonic dahil sa kawalan nito ng deklinasyong pang-case (kahit na maaaring sabihin na isa itong lohikong development ng “Balkanisasyon”). Ang mga anyong pampandiwang “di-nasaksihang kilos” ay ipinapalagay ng ilang mga linggiwsta sa impluwensiya ng Turko.
Mayroong 30 titik ang alpabetong Bulgaro. Binibigay sa sumusunod na teybol ang mga titik na ito:
А а |
Б б | В в | Г г | Д д | Е е | Ж ж | З з | И и | Й й |
К к | Л л | М м | Н н | О о | П п | Р р | С с | Т т | У у |
Ф ф | Х х | Ц ц | Ч ч | Ш ш | Щ щ | Ъ ъ | Ь ь1 | Ю ю | Я я |
1 pinapalambot ang mga patinig bago ng о
Kumakatawan ang karamihan sa mga titik sa alpabetong Bulgaro sa isang espesipikong tunog lamang. Tatlong titik ang kumakatawan sa isahang pagbigkas ng magkasamang tunog: ang щ /ʃt/, ю /ju/, at я /ja/. Dalawang tunog ang walang sariling titik na nakatalaga para sa kanila: ang дж /dʒ/ at дз /dz/. Hindi binibigkas ang titik ь, ngunit pinapalambot nito ang anumang patinig na nauuna bago ang о.
Karamihan sa stak ng mga salita ng Modernong Bulgaro ay binubuo ng mga deribasyon ng reflexes ng mga 2000 salitang minana mula sa proto-Slavonic sa pamamagitan ng Sinauna at Kalagitnaang Bulgaro. Hindi gaano kahalaga ang impluwensiya ng wika ng mga sinaunang Bulgaro, at kulang pa sa 200 salitang may pinagmulan sa wika ng mga sinaunang Bulgaro ang pa ring ginagamit sa Modernong Bulgaro. Sa gayon, bumubuo ng 70–75% ng stak ng mga salita ng wika ang mga katutubong katawagang leksiko ng Bulgaro.
Ang natitirang 25–30% ay mga salitang hiram mula sa iba’t ibang wika, gayon din sa mga deribasyon ng mga ito. Ang mga wikang nag-ambag nang pinakamalaki sa Bulgaro ay ang Latin at Griyego ang (karamihan internasyonal na terminolohiya) at, sa hindi gaanong malawak na sakop, ang French at Ruso. Ang malawak na karamihan ng mga mabibilang na salitang hiram mula sa Turko (at sa pamamagitan nito, mula sa Arabo at Persa) na napasok sa Bulgaro noong panahon ng pamumunong Otomano ay napalitan na halos ng mga katawagang katutubo o mga hiram mula sa ibang mga wika. Tulad ng halos sa buong mundo, ang Inggles ang nagkakaroon ng pinakamalaking impluwensiya sa Bulgaro sa mga kamakailang dekada.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.