From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Wilhelm Heinrich Walter Baade (24 Marso 1893 – 25 Hunyo 1960) ay isang astronomong Aleman na naghanapbuhay sa Estados Unidos mula 1931 hanggang 1959.
Walter Baade | |
---|---|
Kapanganakan | 24 Marso 1893 Schröttinghausen, Germany |
Kamatayan | 25 Hunyo 1960 67) Göttingen, Alemanya | (edad
Nasyonalidad | Aleman |
Mamamayan | Aleman |
Nagtapos | Pamantasan ng Göttingen |
Parangal | Medalyang Bruce 1955 |
Karera sa agham | |
Larangan | Astronomiya |
Institusyon | Obserbatoryong Hamburg-Bergedorf, Mt. Wilson, Obserbatoryong Palomar |
Doctoral student | Halton Arp Allan Sandage |
Mga natuklasang asteroyd: 10 | |
---|---|
930 Westphalia | 10 Marso 1920 |
934 Thüringia | 15 Agosto 1920 |
944 Hidalgo | 31 Oktubre 1920 |
966 Muschi | 9 Nobyembre 1921 |
967 Helionape | 9 Nobyembre 1921 |
1036 Ganymed | 23 Oktubre 1924 |
1103 Sequoia | 9 Nobyembre 1928 |
1566 Icarus | 27 Hunyo 1949 |
5656 Oldfield | 8 Oktubre 1920 |
7448 Pöllath | 14 Enero 1948 |
Naging kapakipakinabang sa kaniyan ang mga kalagayan ng pagkakaroon ng walang kuryente noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, na nakapagbawas ng polusyon ng liwanag sa Obserbatoryo ng Mount Wilson, upang malutas ang mga bituin na nasa gitna ng galaksiyang Andromeda sa unang pagkakataon, na humantong sa kaniyang paglalarawan ng namumukod-tanging mga populasyon para sa mga bituin (Populasyon I at Populasyon II). Ang kaparehong mga obserbasyon ay humantong sa kaniyang pagkatuklas na mayroong palang dalawang mga uri ng mga butuin na baryableng Cepheid. Ang pagkakatuklas na ito ay humantong sa kaniya na muling kalkulahin ang sukat ng nakikilalang uniberso, na nagpadoble sa dating pagtutuos na ginawa ng Hubble noong 1929.[1][2][3] Ipinahayag niya ang natuklasan niyang ito na nagdulot ng nauukol na pagkakamanghai sa pagpupulong ng International Astronomical Union sa Roma noong 1952.
Kasama ni Fritz Zwicky, nakilala niya ang mga supernoba bilang isang bagong kategorya ng mga bagay na pang-astronomiya.[4][5] Ipinanukala rin ni Baade at ni Zwicky ang pag-iral ng mga bituing neutron, at ipinanukala na ang mga supernoba ay maaaring makalikha ng mga bituing neutron.
Simula noong 1952, si Baade at si Rudolph Minkowski ang nakakilala ng mga katumbas na optikal ng sari-saring mga pinagmumulang mga radyo,[6] kabilang na ang Cygnus A. Natuklasan niya ang 10 mga asteryod, kasama na ang mga namumukod-tanging 944 Hidalgo (mahabang peryodo ng orbit) at ang asteroyd na klaseng Apollo na 1566 Icarus (na ang perhelion ay mas malapit kaysa sa Merkuryo) at ang asteroyd na Amor na 1036 Ganymed.
Mga gantimpala
Ipinangalan para sa kaniya
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.