From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Vicarius Filii Dei ay ang titulong pinaniwalaang isa sa mga opisyal na titulo ng Papa sa Roma. Ito'y nakapaloob sa Donasyon ni Constantine, isang pekeng dokumento na inimbento noong 750-850 AD. Bagama't napatunayang hindi naging titulo ng papa sa Roma,[1] ilang sektang Protestante, Iglesia ni Cristo, Sabadista at Ang Dating Daan ang gumagamit sa titulong ito upang patunayan na ang papa sa Roma ang Halimaw na tintukoy sa Apocalipsis 13:18 dahil ang titulong ito'y may katumbas na 666.
Sinasabing ang titulong ito ay nakaukit sa tiara ng papa bagaman walang ebidensiya na larawan na maipakita upang patunayan ang akusasyong ito.
Ang kauna unahang instansiya ng Vicarius Filii Dei ay nakasulat sa Donasyon ni Constantine. Si Emperador Constantine ay nabuhay noong ikatatlo hanggang ikaapat na siglo. Ang mga eksperto ay naniniwalang ang dokumentong ito ay hindi isinulat noong panahon ni Constantine kundi sa pagitan ng ikawalo hanggang ikasiyam na siglo.
Ang Donasyon ni Constantine ay sinasabi ng mga eksperto na isang pekeng dokumento dahil may mga salitang binanggit dito gaya ng salitang "fief" na hindi pa iniimbento noong kapanuhanan ni Emperador Constantine.[4]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.