Ang mga oso[1] o mga osa[1], kung babae, ay mga malalaking mamalya sa pamilyang Ursidae ng order na Carnivora. Inuuri ang mga oso sa mga caniform, o mga tila-asong carnivoran, na ang pinakamalapit na mga namumuhay na kamag-anakan ay ang mga piniped. Bagaman may walo lamang na mga nabubuhay na espesye ng oso, malawak ang nasasakupan ng mga ito at lumilitaw sa iba't ibang uri ng mga pook sa buong Hilagang parte ng mundo at sa ilang bahagi ng katimugang hemispiro.
Oso | |
---|---|
Brown bear (Ursus arctos) | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Chordata |
Hati: | Mammalia |
Orden: | Carnivora |
Infraorden: | Arctoidea |
Pamilya: | Ursidae G. Fischer de Waldheim, 1817 |
Tipo ng genus | |
Ursus Linnaeus, 1758 | |
Subfamilies | |
Hemicyoninae |
Kabilang sa pangkaraniwang katangian ng mga oso ang pagkakaroon ng maikling buntot, mabisang pang-amoy at pandinig, ang pagkakaroon ng limang di-naibabalik na mga kuko sa bawat kamay at paa, at pagkakaroon ng mahaba at makapal na balahibo.
Mga genus
- Helarctos
(H. malayanus ang nasa larawan) - Melursus
(M. ursinus ang nasa larawan) - Tremarctos
(Tremarctos ornatus ang nasa larawan)
Sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.