Remove ads
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Unibersidad ng Oxford (Ingles: University of Oxford; Oxford University o Oxford kapag impormal) ay isang unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa lungsod ng Oxford, Inglatera, United Kingdom. Habang hindi ganap na batid ang eksaktong petsa ng pagkakatatag, mayroong katibayan na nangyayari na ang pagtuturo dito mula pa man noong 1096, kaya't maituturing itong pinakamatandang unibersidad sa mundo ng mga nagsasalita ng Ingles at ang pangalawang pinakamatandang unibersidad sa mundo ayon sa tuloy-tuloy na operasyon.[9] Ito ay mabilis na lumago mula simula 1167 nang ipagbawal ni Henry II ang mga mag-aaral na Ingles na pumasok sa Unibersidad ng Paris. Matapos ang alitan sa pagitan ng mga mag-aaral at taumbayan ng Oxford noong 1209, ilang mga akademiko ang tumakas patungo sa hilagang-silangan sa Cambridge kung saan nila itinatag ang kung ano ang naging Unibersidad ng Cambridge.[10] Ang dalawang "mga sinaunang unibersidad" na ito ay madalas na tinutukoy bilang "Oxbridge".
University of Oxford | |
---|---|
Latin: Universitas Oxoniensis | |
Sawikain | Dominus Illuminatio Mea (Latin) |
Sawikain sa Ingles | "The Lord is my Light" |
Itinatag noong | c. 1096[1] |
Endowment | £4.775 billion (inc. colleges) 2014-15[2] |
Kansilyer | Chris Patten |
Pangalawang Kansilyer | Louise Richardson[3][4] |
Academikong kawani | 1,791[5] |
Mag-aaral | 22,602 (December 2015)[6] |
Mga undergradweyt | 11,603 (2015)[6] |
Posgradwayt | 10,499 (2015)[6] |
Ibang mga mag-aaral | 500[7] |
Lokasyon | Oxford , England, UK |
Mga Kulay | Oxford blue[8] |
Palakasan | The Sporting Blue |
Apilasyon | IARU Russell Group Europaeum EUA Golden Triangle G5 LERU SES |
Websayt | ox.ac.uk |
Ang unibersidad ay binubuo ng iba't ibang mga institusyon, kabilang ang 39 konstituwent na kolehiyo at isang buong hanay ng mga akademikong kagawaran na nakaayos sa apat na mga dibisyon.[11] Ang lahat ng mga kolehiyo ay mga nagsasariling institusyon na bahagi ng unibersidad, ang bawat isa ay may pagkontrol ng sarili nitong mga miyembro at panloob na istraktura at mga gawain. Bilang nakapaloob sa isang pamantasang lungsod, ito ay walang pangunahing kampus; sa halip, ang lahat ng mga gusali at pasilidad ay nakakalat sa buong sentro ng lungsod. Karamihan sa mga pagtuturong undergraduate sa Oxford ay isinaayos sa pamamagitan ng mga lingguhang tutorial mga nagsasariling mga kolehiyo at bulwagan, na suportado ng mga klase, aralin at mga gawaing panlaboratoryo na inihahain sa pamamagitan ng iba't ibang fakultad at kagawaran.
Ang Oxford ay ang tahanan ng Rhodes Scholarship, isa ng ang pinakaluma at pinakaprestihiyosong iskolarsyip, na nagdala ng mga gradwadong mag-aaral sa university sa higit sa isang siglo.[12] Ang unibersidad ay nagpapatakbo ng pinakamatandang museong pampamantasan sa mundo, pati na rin ng pinakamalaking palimbagang pampamantasan sa mundo[13] at ang pinakamalaking pang-akademikong sistema ng aklatan sa Britanya. Ang Oxford ay tahanan sa maraming mga kilalang alumni, kabilang ang 28 Nobel laureates, 27 Punong Ministro ng United Kingdom, at maraming mga dayuhang mga pinuno ng estado.
Ang mga kolehiyo ng unibersidad ay ang mga sumusunod:
Ang mga Permanenteng Pribadong Bulwagan (Permanent Private Halls) ay itinatag sa pamamagitan ng iba't ibang mga denominasyong Kristiyano. Isa sa mga pagkakaiba ng isang kolehiyo at isang PPH ay nasa pamamahala. Ang kolehiyo ay pinamamahalaan sa pamamagitan ng mga fellows ng kolehiyo, ang pamamahala sa isang PPH ay namamalagi sa kaukulang Kristiyanong denominasyon. Ang limang kasalukuyang PPHs ay ang mga ss:
Ang Oxford ay regular na nararanggo bilang isa sa mga nangungunang 10 unibersidad sa mundo at sa kasalukuyan ay nangunguna sa mundo ayon sa Times Higher Education World University Rankings, pati na rin sa Forbes's World University Rankings.[14]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.