From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Unang Triunvirato (60–53 BK, Latin: Primus triumviratus) ay isang impormal na alyansa sa tatlong kilalang mga politiko sa huling bahagi ng Republikang Romano: Cayo Julio Cesar, Gnaeus Pompeius Magnus, at Marcus Licinius Crassus .
Ang Saligang Batas ng Republika ng Romano ay isang kumplikadong sistema ng mga pagsusuri at balanse na idinisenyo upang maiwasang umangat ang iisang tao kaysa iba at maging monarko. Upang lampasan ang mga sagabal na ito sa konstitusyon, sina Caesar, Pompey, at Crassus ay nagtaguyod ng isang lihim na alyansa kung saan ipinangako nilang gagamitin ang kani-kanilang impluwensiya upang tulungan ang bawat isa. Ayon kay Goldsworthy, ang alyansa ay "wala sa diwa ng mga naghahangad ng kaparehong ambisyon sa mga pinaniniwalaan at politika", ngunit isa kung saan "lahat [ay] naghanap ng ambisyng pansarili." Bilang pamangkin ni Gaius Marius, si Cesar ay sa panahong iyon ay mahusay na konektado sa paksiyon ng Populares, na nagtulak sa mga repormang panlipunan. Siya rin ang Pontifex Maximus—ang punong pari sa relihiyong Romano—at lubos na nakakaimpluwensiya,na kapansin-pansin sa pamamagitan ng interpretasyon ng mga auspicio. Si Pompey ang pinakadakilang pinunong militar noong panahong iyon, na kapansin-pansing nagwagi sa mga giyera laban kay Sertorius (80–72 BK), Mithridates (73-63 BK), at sa mga Piratang Cilicia (66 BK). Bagaman nagwagi siya sa digmaan laban kay Spartacus (73–71 BK), si Crassus ay lubos na mas kilala sa kaniyang kamangha-manghang kayamanan, na nakuha niya sa pamamagitan ng matinding espekulasyon sa lupa. Parehong mayroon ding malawak na mga ugnayang patronato sina Pompey at Crassus. Ang alyansa ay nasemento sa kasal ni Pompey sa anak na babae ni Cesar na si Julia noong 59 BK.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.