From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Marcus Licinius Crassus (Latin: M·LICINIVS·P·F·P·N·CRASSVS[2]) (humigit-kumulang sa 115 BK – 53 BK) ay isang Romanong heneral at politiko na nagkaroon ng isang pangunahing gampanin sa pagbabagong-anyo ng Republika ng Roma upang maging Imperyo ng Roma. Nagkamit ng malaking yaman habang nabubuhay, si Crassus ay itinuturing bilang ang pinakamayamang lalaki sa kasaysayan ng Roma, at nasa piling ng pinakamayayamang mga lalaki sa buong kasaysayan.
Marcus Crassus | |
---|---|
Kapanganakan | 115 BCE (Huliyano)[1]
|
Kamatayan | 8 Hunyo 53 BCE (Huliyano) |
Mamamayan | Sinaunang Roma |
Opisina | Konsul (70 BCE–70 BCE) |
Magulang |
|
Nagsimula ang larangang publiko ni Crassus bilang isang komandanteng militar na nasa ilalim ni Lucius Cornelius Sulla noong panahon ng kaniyang digmaang sibil. Kasunod ng pagluklok ni Sulla bilang diktador, nagkamal si Crassus ng malaking dami ng yaman sa pamamagitan ng pagbabaka-sakali sa estado real. Naging tanyag siya sa larangan ng politika kasunod ng kaniyang tagumpay laban sa panghihimagsik ng mga alipin na pinamunuan ni Spartacus, na nakisalo sa pagkakonsul (kakonsulan) sa piling ng kaniyang katunggaling si Pompey na Dakila.
Isang patrong pampolitika at pampananalapi ni Julius Caesar, sumali si Crassus kina Caesar at Pompey sa hindi opisyal na alyansiyang pampolitika na nakikilala bilang Unang Triyumbirado. Bilang magkakasama, ang tatlong mga lalaking ito ay nangibabaw sa sistemang pampultika ng Roma. Ang pagsasanib ay hindi magtatagal dahil sa mga ambisyon, mga pagmamakaako (ego), at pagseselusan ng tatlong lalaki. Habang sina Caesar at Crassus ay mga magkakampi sa habang-buhay, hindi nagkakaundo sina Crassus at Pompey, at si Pompey ay naging lalong nanaghili sa mga pananagumpay ni Caesar sa mga Digmaang Galiko. Ang kampihan ay muling napatatag doon sa Pagpupulong sa Lucca noong 56 BK, na pagkaraan ng pulong na ito ay muling magkasalong naglingkod bilang mga Konsul sina Crassus at Pompey. Kasunod ng ikalawa niyang pagkakonsul, naitalaga si Crassus bilang Gobernador ng Siryang Romano. Ginamit ni Crassus ang Sirya bilang lunsaran ng isang kampanyang pangmilitar laban sa Imperyong Parthiano, ang matagal nang kaaway ng Roma. Ang kampanya ni Crassus ay naging isang nakakapinsalang kabiguan, na humantong sa kaniyang pagkatalo at kamatayan habang nasa Labanan sa Carrhae.
Ang pagkamatay ni Crassus ay permanenteng naglantad ng kampihan sa pagitan nina Caesar at Pompey. Sa loob ng apat na mga taon pagkalipas ng kamatayan ni Crassus, tatawirin ni Caesar ang Rubicon at magsisimula ng isang digmaang sibil laban kay Pompey at sa tunay na pamahalaan ng Republika.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.