From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang ugnayang pandaigdig, ugnayang pandaigdigan, o relasyong internasyunal (Ingles: international relations) ay isang sangay ng agham pampolitika. Kinakatawan nito ang pag-aaral ng ugnayang panlabas at mga paksang global sa piling ng mga estado na nasa loob ng sistemang pandaigdig o sistemang internasyunal, kabilang ang mga gampanin ng mga estado, samahang pandaigdig (organisasyong internasyunal), samahang hindi pampahalaan (organisasyong hindi panggobyerno), at mga korporasyong multinasyunal. Mas tiyak na tumutukoy ang ugnayang panlabas (Ingles: foreign affairs) sa mga bagay-bagay o mga paksang nasa labas ng isang bansa na kinasasangkutan ng bansa, katulad ng mga ugnayan sa ibang bansa, o kaya mga bagay na hindi kinasasangkutan ng isang bansa.[1]
Ang ugnayang pang-internasyonal, internasyonal na pag-aaral o usaping internasyonal ay ang siyentipikong pag-aaral ng pakikipag-ugnayan ng mga soberanong estado. Sinusuri nito ang lahat ng gawain sa pagitan ng mga estado o bansa. Ang mga halimbawa ng mga gawaing estado ay ang paggawa ng mga patakaran tungkol sa pakikipagdigmaan, diplomasya, kalakalan, at pakikipagtungo sa mga ibang estado. Kabilang rin sa ugnayang pang-internasyonal ang mga ugnayan ng mga internasyonal na entidad tulad ng mga pang-internasyonal na organisasyon ng iba’t ibang pamahalaan, internasyonal na mga organisasyong hindi pang-gobyerno, hukumang internasyonal, at mga korporasyong multinasyunal.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.