Mga hindi tukóy na pangyayari o bagay sa himpapawid From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang UFO (mula sa Ingles: unidentified flying object, "hindi matukoy na lumilipad na bagay") ay ang kilalang ngalan para sa kung anumang pangyayari sa himpapawid na ang bunga ay hinding-hindi agad nalalaman ng taong nagmamasid. Ang Hukbong Himpapawid ng Estados Unidos na lumikha ng terminong unidentified flying object noong 1952 ay sinasabing ang mga UFO ay ang mga bagay na mananatiling hindi alam kahit sa isa/sa mga masusing pagsisiyasat ng mga bihasang tagapagsiyasat o imbestigador[1] ngunit sa kasalukyan, ang terminong UFO ay kolokyal na tumutukoy sa kung anumang hindi natukoy na pangyayari sa kalawakan kahit ito man ay nasiyasat o hindi. Ang mga bilang ulat ng mga UFO ay tumaas nang napakatarik nang matapos ang unang malawakang pangmasang pagpapakita sa Estados Unidos na inulat ng isang pribadong piloto na si Kenneth Arnold noong 1947 na nagbigay ng mga bagong terminong "flying saucer" at "Flying disc." Ang terminong UFO ay kilalang isinasaad bilang isang kasing kahulugan ng mga alien spacecraft at kadalasn ang karamihang mga pag-uusap ukol sa mga UFO ay umiikot sa ganitong haka-haka sa mga "alien."[2] Ang mga tagahanga ng mga UFO at mga tagasunod ay gumawa ng mga samahan, kulto sa paniniwala na may mga paksang extraterrestrial. At sa kasalukyan, ang kaisipang UFO ay naging isa nang nangingibabaw na kataka-takang bagay sa pangkasalukuyang kalinangan.[3] Ang ibang mananaliksik ay ginugustong gamitin ang mas malawak na salit na unidentified aerial phenomenon (o UAP), hindi tukoy na pangyayari sa kalawakan sa Tagalog bilang magsilbing gabay at hindi ikalito ang mga kakaibang pangyayaring naisasailalim sa terminolohiyang UFO.[4] Another widely known acronym for UFO in Spanish, French, Portuguese and Italian is OVNI (Objeto Volador No Identificado, with variant regional spellings).
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.