Remove ads
panggrupong sakay na magagamit ng publiko From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang pampublikong transportasyon ay isang sistema ng transportasyon para sa mga pasahero sa mga sistema ng panggrupong sakay na magagamit ng publiko hindi tulad ng pribadong transportasyon, karaniwang nakaiskedyul, pinapatakbo sa mga nakatakdang ruta, at maaaring maningil ng pamasahe para sa bawat biyahe.[1][2] Walang tiyak na kahulugan kung aling mga uri ng transportasyon ang kasama rito, at madalas na hindi itinuturing na kasama ang mga panlipad kagaya ng eroplano kapag tinatalakay ang pampublikong sasakyan—ginagamit ng mga diksiyonaryo ang mga salita tulad ng "mga bus, tren, atbp."[3] Kabilang sa mga halimbawa ng pampublikong sasakyan ang mga bus, trolebus, trambiya (o light rail) at pampasaherong tren, mabilisang paglulan (metro/subwey, atbp.) at mga lantsa. Kapag may biyahe patungo sa ibang lungsod, karaniwan ang pagsakay sa mga eroplano, bus, at tren. Binubuo ang mga kalambatan ng matuling daambakal sa maraming bahagi ng mundo.
Tumatakbo ang karamihan ng mga sistema ng pampublikong transportasyon sa mga nakatakdang ruta at nakatakdang punto ng sakayan at babaan sa nakaayos na talaorasan, at may agwatan sa pagpapatakbo ng mga pinakamadalas na serbisyo (hal.: "bawat 15 minuto" sa halip na nakaiskedyul sa tiyak na oras ng araw). Gayunpaman, sa karamihan ng biyahe sa pampublikong transportasyon, may iba pang kasamang paraan ng pagbiyahe, kagaya ng paglalakad o pagsasakay ng bus para makarating sa estasyon ng tren.[4] Nag-aalok ang mga siyertaksi, kagaya ng mga dyipni, ng serbisyong on-demand sa maraming bahagi ng mundo, na maaaring makiagaw sa mga nakapirming linya ng pampublikong transportasyon, o makatulong sa kanila, sa pagdadala ng mga pasahero sa mga sakayan. Minsan ginagamit ang paratransit sa mga lugar na may mababang demand at para sa mga taong nangangailangan ng serbisyong papinto-pinto.[5]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.