From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Trahedya sa Pagoda ng Wawa o (eng:1993 Bocaue Pagoda tragedy) ay naganap noong Hulyo 2, 1993 pasadong 8:15 pm ng gabi sa Ilog ng Wawa, "Bocaue River" sa pagdiriwang ng Pagoda sa Wawa ng kapistahan, lulan ng pagoda sakay ang mahigit na 200 katao.[1]
Oras | 8:15 p.m.–8:50 p.m. PST |
---|---|
Petsa | Hulyo 2, 1993 (31 taon, 3 buwan, 3 linggo at 1 araw) |
Lugar | Bocaue, Bulacan |
Kilala rin bilang | Bocaue River Festival tragedy |
Dahilan | Sobrangpuno |
Mga namatay | 266 |
Ang pagoda sa Wawa ay ipinagdiriwang kapistahan at idinadaos sa bayan ng Bocaue sa Bulacan tuwing linggo sa buwan ng Hulyo upang silayan ang pagtuklas na ang nagmimilagrong krus ni Hesus na nakalutang sa ilog ng Wawa, 200 taon ang nakalipas.[2]
Naganap ang trahedya sa oras na 8:15 pm ng gabi sakay ang mahigit 800 hanggang 1,000 na mga deboto, dahilan sa overloading o sobrang pagsakay ng mga deboto. dahil sa pagpapaputok ng kwitis sa bahaging dulo ng pagoda na siyang sanhi ng sunog at pag panik ng mga tao sa kabilang dulong bahagi ng pagoda, Mahigit 266 ang mga naiwang labi na mga nasawi at ilang naligtas ay iniahon sakay ng ilang rescuer gamit ang mga bangka, Ang pagoda ang may taas na 20 talampakan.[3]
Ayon sa pelikula ng "Bocaue Pagoda tragedy taong 1995" ang sanhi ng paglubog ng pagoda ay ang dulot ng pagtatalo ng isang deboto na ginampanan ni Mon Confiado.[4]
Ang pagsagip operasyon para sa mga biktima ay tinitignan sa mga sumunod na araw, Ang mga biktima ay sinusuri ang bawat parte ng katawan at ang iba ay idinala sa ospital, Ang mga katawang bakay ay inilalagak sa Town plaza at basketball court upang masuri sa morgue, Ayon sa pagiimbestiga ang mga biktima ay magkakapamilya.
Taong 1994 binabaan mula sa 2 ang talampakan ng "pagoda" na noo'y 1993 ay nasa 4.
Taong 2014 ng ibinalik ang tradisyong pagdiriwang ng pagoda, matapos ang 21 taon trahedya sa ilog ng Wawa sa Bocaue.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.