Ang teolohiya ay ang sistematikong pag-aaral ng kalikasan ng dibino, o paniniwalang panrelihiyon sa mas malawak na depinisyon. Tinuturo ito bilang isang disiplinang akademiko, karaniwan sa mga pamantasan at seminaryo.[1] Sinasakop ang sarilli nito ng kakaibang nilalaman ng pag-analisa ng sobrenatural, subalit tinatalakay din ang epistemolohiyang panrelihiyon, tinatanong at hinahanap ang sagot sa tanong ng paghahayag. Nauukol ang paghahayag sa pagtanggap sa Diyos, mga diyos, o deidad, bilang hindi lamang transendente o higit sa likas na mundo, kundi handa at kayang makipag-ugnayan sa likas na mundo at magpakita sila sa sangkatauhan.

Gumagamit ang mga teologo ng mga anyo ng pagsusuri at argumento (pangkaranasan, etnograpiko, pangkasaysayan, at iba pa) upang makatulong sa pagkaunawa, paliwanag, pagsubok, pagpuna, pagdepensa o pagsulong na anumang maraming paksang panrelihiyon. Tulad sa pilosopiya ng etika at hurisprudensya, kadalasang pinapalagay ang mga argumento ng pagkakaraoon ng nakaraang naresolbang mga tanong, at ginagawa ang argumento sa pamamagitan ng pagkakatulad mula sa mga ito upang makakuha ng bagong hinuha sa bagong mga situwasyon.

Maaring makatulong ang pag-aaral ng teolohiya sa teologo na mas malalim pa nilang malaman ang sarili nilang tradisyong panrelihiyon,[2] isa pang tradisyong panrelihiyon,[3] o maaaring itong magbigay-daan sa kanila na tuklasin ang kalikasan ng dibinidad nang walang pagtukoy sa anumang partikular na tradisyon. Maaring gamitin ang teolohiya sa pagpapalaganap,[4] reporma,[5] o bigyang-katwiran ang tradisyong panrelihiyon; o maari itong gamitin upang ihambing,[6] hamunin (halimbawa, kritisismong pambibliya), o salungatin (halimbawa, irrelihiyon) ang isang tradisyong panrelihiyon o pananaw sa mundo. Maari din makatulong ang teolohiya sa isang teologo matugunan ang kasalukuyang situwasyon o pangangailangan sa pamamagitan ng tradisyong panrelihiyon,[7] o upang siyasatin ang posibleng mga paraan ng pagbibigay kahulugan sa mundo.[8]

Etimolohiya

Hango ang katawagan mula sa Griyego na theologia (θεολογία), isang kombinasyon ng theos (Θεός, 'diyos') at logia (λογία, 'mga pananalita, mga kasabihan, mga orakulo')—ang huling salita ay may kaugnayan sa Griyegong logos (λόγος, 'salita, diskurso, salaysay, pangangatwiran').[9][10] Naipasa ang katawagan sa Latin bilang theologia, at pagkatapos sa Kastila bilang teología, at kalaunan sa Tagalog bilang teolohiya.

Pilosopiyang klasiko

Thumb
Sina Platon (kaliwa) at Aristoteles sa fresco ni Raphael noong 1509 na Ang Paaralan ng Atenas

Ginamit ang Griyegong theologia (θεολογία) na nangangahulugang 'diskurso sa Diyos' noong mga 380 BC ni Platon sa Ang Republika.[11] Hinati ni Aristoteles ang pilosopiyang teoretikal sa mathematike, physike, at theologike, na ang huli ay tumutugma sa metapisika, na, para kay Aristotle, kinabibilangan ng diskurso sa kalikasan ng dibino.[12]

Kinuha sa mga magpagkukunang Estoikong Griyego, ipinagkaiba ng manunulat na Latin na si Varron ang tatlong anyo ng ganoong diskurso:[13]

  1. mitikal, tungkol sa mga mito ng mga diyos ng mga Griyego;
  2. rasyonal, pagsusuring pampilosopiya ng mga diyos at kosmolohiya; at
  3. sibil, tungkol sa mga rito at tungkulin ng mga ng publikong seremonyang panrelihiyon.

Kalaunang paggamit

Sinundan ng ilan sa mga may-akdang Kristiyanong Latin, tulad nina Tertuliyano at Agustin ang pinagtatlong gamit ni Varron.[13][14] Bagaman, binigyan kahulugan din ni Agustin ang theologia bilang ang "pangangatuwiran o diskusyon tungkol sa Deidad".[15]

Mga sanggunian

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.