From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Thalis ng Milito (Griyego: Θαλής ο Μιλήσιος, Thalis o Milisios, Tales ng Mileto), higit na kilala sa anyong Latin ng kaniyang pangalan na Thales, ay ipinanganak sa Ionia sa lungsod ng Milito (624 BK–546 BK) ng Gresya noong mga 2500 taon na ang nakalilipas[1] sa baybayin ng Dagat Egeo, anak nina Examio at Cleobulina. Ang kaniyang mga pangunahing pasyon ay matematika, astronomiya, at politika. Itinuturing siya na isa sa mga Pitong Paham ng Gresya. Siya rin ang kinikilala bilang unang dakilang siyentipiko. Siya ang unang nakatuklas ng magnetismo dahil sa pagkakatagpo niya na nakahahatak o nakaakit ng mga piraso ng bakal o yero (iron sa Ingles) ang mineral na batong may balani (lodestone o loadstone sa Ingles). Kaugnay nito, natuklasan niya rin ang kuryente dahil sa pagdikit ng magagaang na mga bagay sa mga piraso ng amber (electron sa Griyego at pinagmulan ng salitang "elektrisidad" o electricity sa Ingles) pagkaraan niyang kuskusin ang mga amber na ito.[1]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.