Tagu-taguan
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang taguan o tagu-taguan ay isang sikat na larong pambata kung saan nilalaro ng dalawa o higit pa na manlalaro[1] na nagtatago sa paligid upang hanapin ng isa o higit pa na taya. Nagsisimula ang laro kapag may naitakda na taya at ang taya ay pipikit at bibilang hanggang tatlo o kahit anumang bilang habang magtatago naman ang mga hindi taya. Pagkatapos bumilang ang taya, sasabihan niya na handa na siyang maghanap at susubukang hanapin ang mga nakatagong manlalaro.[2] Halimbawa ang larong ito ng isang tradisyong pasalita na karaniwang naipapasa sa pamamagitan ng mga bata. At pag nahanap niya na ang unang nagtago ay yun naman ang taya

Iba't ibang bersyon
Bersyon sa Pilipinas
Sa Pilipinas, isang tradisyunal na laro ang tagu-taguan na nilalaro sa labas ng bahay at karaniwan tuwing dapit-hapon o gabi lalo na kung maliwanag ang buwan.[3] Sa bersyong Pilipino, pumipili ang mga manlalaro ng base kung saan dito tatakpan ng taya ang kanyang mata sa pamamagitan ng kanyang braso[4] at kapag nakatakip na ang mata, ang taya ay kadalasang umaawit[5] imbis na sabihin ang "handa man kayo o hindi, nandito na ako!" May iba't ibang titik ng awit at ilan sa mga ito ang sumusunod:
- "Tagu-taguan, maliwanag ang buwan, masarap maglaro sa dilim-diliman..."[4]
- "Tagu-taguan maliwanag ang buwan. Wala sa likod, wala sa harap. Pagbilang ng sampu, nakatago na kayo. Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo, siyam, sampu!"[6]
Matapos magbilang ng taya, maaring magtanong ito kung handa na ang lahat at maaring sumagot o hindi ang mga nakatago. Kapag wala na marining na sagot, maaring masimulang maghanap na ang taya.[4] Kung makaiwas ang isang nakatago sa taya at di siya nakita nito, maari siyang magpunta sa base, hawakan ito at sabihing "save! (ligtas).[4] Kung may nahanap naman ang taya, sasabihin naman niya "Bong!" at ang pangalan ng nahanap na manlalaro.[4] Tapos, mag-uunahan sila sa base at kung sino ang hindi nakahawak sa base at hindi nasambit ang "save", siya ang magiging taya.[4]
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.