Remove ads

Ang isang kapanahunan ay isang subdibisyon ng taon[1] batay sa lagay ng panahon, ekolohiya, at bilang ng oras na may liwanag sa isang araw sa isang binigay na rehiyon. Sa Daigdig, resulta ang mga kapanahunan ng parelelismong aksiyal ng nakatagilid na orbita ng Daigdig sa palibot ng Araw.[2][3][4] Sa mga rehiyong katamtaman at polar, minarkahan ang mga kapanahunan sa pagbabago ng intensidad ng liwanag ng araw na umaabot sa ibabaw ng Daigdig, na maaring magdulot ang mga baryasyon nito na sumailalim ang mga hayop sa hibernasyon o lumipat, at maging parang tulog ang mga halaman. Ipinakahulugan ng iba't ibang mga kalinangan ang bilang ng likas na kapanahunan batay sa mga baryasyong pang-rehiyon, at tulad nito, mayroong isang bilang ng parehong kulturang makabago at makasaysayan na naiiba ang bilang ng kapanahunan.

Nakakaranas ang Hilagang Emisperyo ng pinakadirektang sinag ng araw tuwing Mayo, Hunyo, at Hulyo, habang nakaharap ang emisperyo sa Araw. Parehong totoo din sa Timog Emisperyo sa Nobyembre, Disyembre at Enero. Ito ang pagkiling na aksis ng Daigdig na nagdudulot sa Araw na mas mataas sa mga buwan ng tag-init, na pinapataas ang pang-araw na pagkilos. Bagaman, dahil sa pagkaantalang kapanahunan, ang Hunyo, Hulyo, at Agosto ang pinakamainit na mga buwan sa Hilagang Emisperyo habang ang Disyembre, Enero, at Pebrero ang pinakamainit sa Timog Emisperyo.

Sa mga rehiyong katamtaman at subpolar, kinikilala ang apat na kapanahunan batay sa kalendaryong Gregoryano: tagsibol, tag-init, taglagas, at tagniyebe. Ginagamit kadalasan ng mga ekolohista ang modelong anim na kapanahunan para sa mga rehiyong katamtamang klima na hindi nakakabit sa kahit anumang nakapirming petsa sa kalendaryo: prebernal, bernal, estibal, serotinal, otoñal, at hibernal. May dalawang kapanahunan ang karamihan sa mga rehiyong tropikal tulad ng Pilipinas: ang tag-ulan, panahong basa, o panahon ng bagyo at ang panahong tuyo. May ilan na mayroong ikatlong kapanahunan: malamig, katamtaman, o kapanahunang harmattan. May ilang halimbawa ng kahalagaan sa kasaysayan ng mga kapanahunan sa sinaunang Ehiptobaha, paglago, at mababang tubig—na dating binibigyan kahulugan ng dating taunang pagbaha ng Nilo sa Ehipto.

Thumb
Thumb
Ang tropikal na kapanahunang tuyo at basa/balaklaot sa Maharashtra, Indya

May natatanging kahalagaan ang mga kapanahunan sa mga lipunang agraryo, na ang mga buhay ay umiinog sa oras ng pagtatanim at pag-aani, at kadalasang hinahaluan ng ritwal ang pagbabago ng kapanahunan. Pangkalinangan din ang depenisyon ng kapanahunan. Sa Indya, mula sa sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan, kinikilala ang anim na kapanahunan o Ritu na batay sa mga kalendaryong kultural o relihiyoso sa timog Asyano para sa mga layunin tulad ng agrikultura at kalakalan.

Remove ads

Mga kapanahunan

Thumb
Ang apat na kapanahunan

Tag-init

Ang tag-init o tag-araw ay isa sa apat na panahon. Ito ang pinakamainit at isa sa pinakatuyong mga panahon ng taon, kaya't nagiging o tinatawag ding tagtuyot kung minsan. Matatagpuan ang apat na panahon sa mga pook na hindi gaanong mainit o hindi gaanong malamig. Nagaganap ang tag-init sa hilaga at timog na mga gilid ng mundo sa magkabilang mga panahon ng taon. Sa Hilagang Hemispero, nangyayari ang tag-araw sa pagitan ng mga buwan ng Hunyo at ng Setyembre. Sa Timog na Hemispero, nagaganap ito sa pagitan ng Disyembre at ng Marso. Dahil ito sa kapag tumuturo patungo sa araw ang Hilagang Hemispero o hilagang bahagi ng mundo, tumuturo naman ang Timog na Hemispero palayo sa araw.

Tag-ulan

Ang tag-ulan ang isa sa dalawang panahon o estasyong tropikal. Ito ay isang klima kung saan ang tubig na naipon ay ilalabas na galing sa ulap. Ang tagtuyo ang isa pa.

Taglagas

Ang taglagas (Ingles: autumn, fall) ay ang panahon pagkaraan ng tag-araw at bago dumating ang taglamig.Kung saan Ang mga dahon ng mga halaman at puno ay nalalagas.Sa Hilagang Hemispero, nagsisimula ang taglagas sa pangtaglagas o pang-autumnong ekwinoks (hulihan ng Setyembre) at nagwawakas sa pangtaglamig na soltisyo (hulihan ng Disyembre). Sa Timog na Hemispero, tumatakbo ito mula Marso 20 hanggang Hunyo 21.

Taglamig

Ang taglamig o tagyelo ay ang panahon ng pagkakaroon ng pagyeyelo o pag-ulan ng niyebe. Tinatawag din itong imbiyerno[5] o tagniyebe.

Tagsibol

Ang tagsibol ay isang panahon pagkalipas ng taglamig at bago sumapit ang taginit o tag-araw. Nagiging mas mainit ang panahon dahil nakakiling ang lupa patungo sa araw. Sa maraming mga bahagi ng daigdig, tumutubo ang mga halaman at bumubuka ang mga bulaklak. Marami sa mga hayop ang nagsasagawa ng kanilang pagpaparami sa panahong ito.

Tagtuyo

Huwag ipaglito sa Tagtuyot, ang matagalang kawalan ng tubig sa isang pook.

Ang tagtuyo ang isa sa dalawang panahon o estasyong tropikal. Ang tag-ulan ang isa pa.

Remove ads

Mga sanggunian

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.

Remove ads