Taecyeon
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Si Ok Taec-yeon (Koreano: 옥택연; Hanja: 玉澤演; ipinanganak 27 Disyembre 1988)[1], higit na kilala bilang Taecyeon, ay isang mang-aawit, artista, modelo at negosyante sa Timog Korea. Siya ang pangunahing rapper ng bandang 2PM.
- Isa itong pangalang Koreano; ang apelyido ay Ok.
Noong 2010, unang lumabas Taecyeon bilang aktor sa Koreanovelang Cinderella's Sister at nang naglaon, bumida pa sa ibang mga seryeng pantelebisyon tulad ng Dream High (2011), Who Are You? (2013), Wonderful Days (2014), Assembly (2015), Let's Fight, Ghost (2016), at Save Me (2017), gayon din sa mga pelikulang Marriage Blue (2013) at House of the Disappeared (2017).
Remove ads
Talambuhay
Ipinanganak si Taecyeon sa Busan, Timog Korea,[3] ngunit lumipat sila ng magulang niya at ng nakatatanda niyang kapatid na si Jihyen papuntang Bedford, Massachusetts noong 10 taong gulang siya.[4] Nanirahan doon si Taecyeon sa loob ng 7 taon, at pumasok sa Bedford High School kung saan siya naging aktibong kasapi sa Chess Club, Jazz Band, JV Soccer Team at National Honor Society, bago siya bumalik ng Korea upang simulan at ipagpatuloy ang kaniyang karera roon. Nag-aral siya ng kursong Pangangasiwa ng Negosyo (Business Administration) sa Pamantasang Dankook.[1] Pumasok din siya sa Unibersidad ng Korea sa Paaralang Graduweyt ng Internasyunal na Pag-aaral.[5]
Bihasa siya sa mga wikang Koreano, Ingles at Hapones.[6] Bilang katutubo ng Busan, gamay ni Taecyeon ang pananalita ng Gyeongsang satoori (punto ng diyalekto), kung saan ginamit niya iyon sa KBS2 drama na Wonderful Days.[7]
Remove ads
Mga sanggunian
Mga panlabas na link
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads
