layunin ng mga taong mamuhay nang ligtas at magkasama sa mundo From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang sustenibilidad (ugat: sustento) ay layuning panlipunan na may kinalaman sa kakayahan ng mga tao na ligtas na mamuhay nang magkasama sa mundo sa loob ng mahabang panahon. Mahirap magkasundo sa tiyak na kahulugan ng terminong ito, at nagkakaiba-iba ito sa panitikan, konteksto, at oras.[1][2] Karaniwang inilalarawan ang likas-kaya na may tatlong dimensiyon (o haligi): kalikasan, pangkabuhayan at panlipunan.[2] Sinasabi ng maraming publikasyon na pinakaimportante ang haligi ng kalikasan.[3][4] Dahil dito, sa pang-araw-araw na gamit, nakatuon ang sustenibilidad sa paglaban sa mga pangunahing problema sa kalikasan, kagaya ng pagbabago ng klima, kabawasan ng saribuhay, kabawasan ng serbisyo sa ekosistema, pagkapinsala ng lupa, at polusyon ng hangin at tubig. Maaaring gamitin ang konsepto ng likas-kaya upang gabayan ang mga desisyon sa mga pangglobo, pambansa, at pansariling antas. (hal. likas-kayang pamumuhay).[5]
Isang konsepto na may malapit na kaugnayan ang nasusustentong pag-unlad, kalimitan ang magkasingkahulugang paggamit ng dalawang termino.[6] Gayunman, ayon sa UNESCO, magkaiba ang dalawa sa ganitong paraan: "Karaniwang ipinapalagay ang sustenibilidad bilang pangmatagalang layunin (hal. isang mas nasusustentong mundo), habang tumutukoy ang likas-kayang pag-unlad sa maraming proseso at landas upang makamit ito."[lower-alpha 1][7]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.