From Wikipedia, the free encyclopedia
Ito ay isang talaan ng mga lungsod sa Azerbaijan. Ang Azerbaijan ay isang bansa sa rehiyon ng Transkaukasya, sa pagitan ng Timog-Kanlurang Asya at Timog-Silangang Europa.[1] Sa kabuuan, may pitumpu't-pitong (77) lungsod ang Azerbaijan, kabilang na ang labindalawang (12) antas-Pederal na mga lungsod, animnapu't-apat (64) na mas-maliit na rayon-class na mga lungsod, at isang special legal status na lungsod. Ang mga ito'y sinundan ng 257 urban-type settlements at 4,620 nayon.[2]
May pitumpu't-pitong (77) pamayanang urbano sa Azerbaijan na may opisyal na estado ng isang lungsod (Aseri: şəhər). Ang mga ito ay:
Talaan ng mga sampung lungsod na may pinakamalaking populasyong urbano noong 2016.[5]
Ranggo | Azerbaijani | Lungsod | Populasyon | Imahe | Paglalarawan |
---|---|---|---|---|---|
1 | Bakı | Baku | 2,225,800 | Ang Baku ay kabisera at pinakamataong lungsod ng Azerbaijan, gayundin pinakamalaking lungsod sa baybayin ng Dagat Caspian at sa rehiyon ng Kaukasya. Matatagpuan ito 28 metro sa ibaba ng lebel ng dagat, kaya ito rin ang pinakamababang pambansang kabisera sa mundo batay sa altitude. | |
2 | Sumqayıt | Sumqayit | 336,200 | Pangalawang pinakamalaking lungsod sa Azerbaijan at isang industriyal na pantalan. | |
3 | Gəncə | Ganja | 330,400 | Pangatlong pinakamalaking lungsod sa Azerbaijan. | |
4 | Mingəçevir | Mingachevir | 102,400 | Isang lungsod sa hilagang bahagi ng bansa. | |
5 | Lənkəran | Lankaran | 87,200 | Isang lungsod sa katimugang bahagi ng bansa. | |
6 | Şirvan | Shirvan | 84,000 | Matatagpuan sa Ilog Kura. Dating tinawag na Ali Bayramli (Əli Bayramlı) ang lungsod mula 1938 hanggang 2008.[6] | |
7 | Naxçıvan | Nakhchivan | 80,900 | ||
8 | Yevlax | Yevlakh | 68,000 | ||
9 | Şəki | Shaki | 67,300 | Ang Shaki ay isang lungsod sa bandang hilagang bahagi ng bansa na kilala sa mayaman nitong kasaysayan. | |
10 | Xankəndi | Khankendi | 55,600 | Matatagpuan sa Republika ng Nagorno-Karabakh, nagsisilbi itong kabisera ng nasabing de facto na republika. Tinatawag itong Stepanakert ng mga taga-Armenia. |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.