Ang protista (Ingles: protist IPA: /ˈproʊtɨst/), ay pangkat ng magkakaibang mga eukaryotikong mikroorganismo. Sa kasaysayan, tinuturing ang mga protista bilang kasapi ng kahariang Protista subalit hindi na ito kinikilala sa makabagong taksonomiya.[3] Walang masyadong pagkakatulad ang mga protista maliban sa isang medyo payak na organisasyon - na maaaring sanselula sila o multiselula sila na walang natatanging mga tisyu. Naiiba ang payak na pagkakaayos ng selular sa ibang eukaryote, katulad ng mga halamang singaw, hayop at halaman.

Agarang impormasyon Scientific classification, Supergroups and typical phyla ...
Protista
Temporal range: Paleoproterozoic[a]Present
Thumb
Scientific classificationEdit this classification
Dominyo: Eukaryota
Supergroups and typical phyla[1]
  • Amoebozoa
  • Apusomonadida
  • Archaeplastida (in part)
    • Glaucophyta
    • Rhodelphidia
    • Rhodophyta (red algae)
    • Picozoa
  • Breviatea
  • Discoba
    • Jakobea
    • Tsukubea
    • Euglenozoa
    • Percolozoa
  • CRuMs
    • Collodictyonidae
    • Rigifilida
    • Mantamonadida
  • Cryptista
  • Haptista
  • Hemimastigophora
  • Malawimonada
  • Metamonada
  • Meteora sporadica[2]
  • Opisthokonta (in part)
    • Choanoflagellata
    • Ichthyosporea
    • Filasterea
    • Nucleariae
    • Pluriformea
  • Provora
  • SAR
    • Alveolata
      • Apicomplexa
      • Ciliophora
      • Dinoflagellata
    • Rhizaria
      • Cercozoa
      • Endomyxa
      • Retaria
    • Stramenopiles
      • Gyrista (diatoms, oomycetes, brown algae...)
      • Bigyra
      • Platysulcea
Cladistically included but traditionally excluded taxa
Isara

Unang ginamit ang katawagang protista ni Ernst Haeckel noong 1866. Tradisyunal na nahahati ang mga protista sa ilang mga pangkat na nakabatay sa pagkakatulad ng "mas mataas" na mga kaharian: ang isahang-sihay na mala-hayop na protosowa, ang mala-halaman na protopayta (karamihang isahang-sihay na lumot), at mala-halamang-singaw na mga myxomycota. Dahil kadalasang nagsasanib ang mga pangkat nito, pinalitan sila ng pilohenetikang batayan sa pag-uuri. Bagaman, magagamit din sila sa hindi pormal na mga pangalan para sa paglalarawan ng morpolohiya at ekolohiya ng mga protista.

Nabubuhay ang mga protista sa kahit anumang kapaligiran na may likidong tubig. Maraming mga protista, katulad ng lumot, ay potositetiko at mahalagang pangunahing mangagagawa sa ekosistema, partikular sa karagatan bilang bahagi ng plankton. May ibang mga protista, katulad ng nga Kinetoplastid at Apicomplexa ang responsable sa ilang mga seryosong sakit sa tao, katulad ng malaria at sakit sa pagtulog.

Mga sanggunian

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.