From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang funggus[3] o halamang-singaw[4] na binabaybay ding halamang singaw,[5] (Ingles: fungus [isahan], fungi [maramihan][6]) ay isang uri ng organismong nabubuhay na hindi halaman o hayop; hindi rin ito protista, hindi eubakterya, at hindi rin arkebakterya. Dating iniisip ng mga tao na halaman ang mga ito kaya't pinangalanan itong halamang singaw. Tinutunaw ng mga halamang-singaw ang mga patay na materya sa paligid nito para magsilbing pagkain nila. Hindi lunti ang kulay ng mga ito. Hindi sila namumulaklak at wala ring mga dahon. Kabilang dito ang mga kabuti.[4] Sa larangan ng panggagamot, isa itong malaking pangkat ng mga "halaman" na walang materya o bagay na pangkulay ng lunti na kinabibilangan ng mga kabuti, tagulamin, at amag.[6] Sa isang karamdamang dulot ng halamang-singaw, kinakailangang gamitan ng mikroskopyo ang pagsusuri ng halamang-singaw sapagkat napakaliit ng mga ito upang makita ng mga mata.[6]
Kolatkolat | |
---|---|
Paikot papunta sa kanan mula sa pang-itaas na kaliwang bahagi: Amanita muscaria, isang basidiomycete; Sarcoscypha coccinea, isang ascomycete; tinapay na puno ng amag; isang chytrid; isang Aspergillus conidiophore. | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Dominyo: | Eukaryota |
Klado: | Holomycota |
Kaharian: | Fungi (L., 1753) R.T. Moore, 1980[1] |
Subkingdoms/Phyla/Subphyla[2] | |
Dikarya (inc. Deuteromycota)
Subphyla incertae sedis
|
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.