From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang tamod (Ingles: sperm) ay tumutukoy sa mga selula ng sistemang reproduktibo ng mga lalaki. Ang isperma ay isang gamete ng lalaking tao o hayop na may kakayahang makapagpertilisa ng isang ovum. Tinatawag na spermatid ang isang selula ng isperma na wala pa sa gulang (kulang pa sa edad). Samantala, ang spermatozoon (maramihan: spermatozoa) ay ang mga selula ng isperm na nasa hustong gulang na. Ang mga selulang ispermatoheniko (spermatogenic cell) ay ang mga selula na nasa loob ng mga tubulong seminiperoso (seminiferous tubule) na nagpapalitaw ng mga selula ng isperma. Ang proseso ng produksiyon ng mga isperma ay tinatawag na ispermatohenesis (spermatogenesis).[1]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.