Sovetskaya Gavan
From Wikipedia, the free encyclopedia
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Sovetskaya Gavan (Ruso: Сове́тская Га́вань, literal na "pamtalang Sobyet") ay isang lungsod sa Khabarovsk Krai, Rusya at isang pantalan sa Kipot ng Tartary na nag-uugnay ng Dagat Okhotsk sa hilaga sa Dagat Hapon sa timog.
Sovetskaya Gavan Советская Гавань | |||
---|---|---|---|
Bantayog ni Lenin sa Sovetskaya Gavan | |||
| |||
Mga koordinado: 48°58′N 140°17′E | |||
Bansa | Rusya | ||
Kasakupang pederal | Khabarovsk Krai[1] | ||
Itinatag | Agosto 4, 1853 | ||
Katayuang lungsod mula noong | 1941 | ||
Pamahalaan | |||
• Pinuno | Pavel Borovsky | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 69 km2 (27 milya kuwadrado) | ||
Taas | 20 m (70 tal) | ||
Populasyon | |||
• Kabuuan | 27,712 | ||
• Kapal | 400/km2 (1,000/milya kuwadrado) | ||
• Subordinado sa | Lungsod ng kahalagahang krai ng Sovetskaya Gavan[1] | ||
• Kabisera ng | Lungsod ng kahalagahang krai ng Sovetskaya Gavan[3], Sovetsko-Gavansky District[3] | ||
• Distritong munisipal | Sovetsko-Gavansky Municipal District[4] | ||
• Urbanong kapookan | Sovetskaya Gavan Urban Settlement[4] | ||
• Kabisera ng | Sovetsko-Gavansky Municipal District[5], Sovetskaya Gavan Urban Settlement | ||
Sona ng oras | UTC+10 ([6]) | ||
(Mga) kodigong postal[7] | 682880 | ||
(Mga) kodigong pantawag | +7 42138 | ||
OKTMO ID | 08642101001 | ||
Websayt | admsovgav.ru |
Ang pangalan ng bayan ay minsang dinadaglat nang impormal bilang "Sovgavan" (Совгавань). Nakilala ito rati bilang Imperatorskaya Gavan (hanggang sa taong 1922).
Noong Mayo 23, 1853, natuklasan ni Lt. Nikolay Konstantinovich Boshnyak ng barkong Nikolay ng Kompanyang Ruso-Amerikano ang look kung saang matatagpuan ngayon ang Sovetskaya Gavan at pinangalanan itong Look ng Khadzhi. Noong Agosto 4, 1853, itinatag ni Kapitan Gennady Nevelskoy ang isang himpilang militar na ipinangalan mula kay Almirante Dakilang Duke Konstantin, at binago ang pangalan ng look sa Imperatorskaya Gavan ('Daungan ng Emperador' o 'Pantalang Imperyal'). Nakilala rin ang look bilang Barracouta Harbour sa mga Ingles. Itinalagang komander ng himpilan si Nikolay Boshnyak. Naging unang pamayanang Ruso sa lugar ang himpilan.[8]
Pagkaraang iniwan ang himpilang militar bago ang taong 1900, naging sentro ng paggawa ng tabla ang lugar, kasama ang mga pahintulot sa mga kompanyang buhat ng ibang mga bansa tulad ng Canada.
Binago ang pangalan ng look at ng pamayanan sa Sovetskaya Gavan noong 1922.
Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sinimulan ang pagtatayo ng isang daambakal mula sa kanang pampang ng Ilog Amur malapit sa Komsomolsk-na-Amure patungong baybaying-dagat ng Pasipiko. Napili ang Sovetskaya Gavan bilang dulo nito. Ginawaran ng katayuang panlungsod ang Sovetskaya Gavan noong 1941, at nakarating dito ang daambakal noong 1945. Ito ang unang bahagi ng daambakal na natapos ng magiging Pangunahing linya ng Baikal-Amur.
Mula 1950 hanggang 1954, naging sityo ang lungsod ng kampong bilangguan na Ulminlag ng sisitemang gulag.
Ang hilagang neighborhood ng lungsod na nasa Look ng Vanino ay hiniwalay upang maging hiwalay na pamayanang uring-urbano ng Vanino noong 1958
Nakasalalay ang ekonomiya ng Sovetskaya Gavan sa daungan at mga kaugnay na gawain nito. Mayroon itong malalim na pantalan para sa mga kargamento at barkong pangisda, gayon din sa mga pasilidad ng pagkukumpuni ng barko. Mayroon ding paggawa ng mga pagkain tulad ng pagproseso ng isda.
Ang Sovetskaya Gavan ay may mahalumigmig na klimang pangkontinente (Köppen Dfb). Ang banayad na mga temperatura kapag Setyembre ay dulot ng seasonal lag at napapanatili nito ang klima sa pangkontinenteng antas. Maliban diyan, mayroon ding malakas na impluwensiyang subartiko at Mataas na Siberia na nagpapanatili sa pagiging maginaw ng mga taglamig para sa isang pambaybaying-dagat na lokasyon sa latitud na 49°.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.