Ang Paghahati ng Silangan-Kanluran o ang Dakilang Paghahati o East–West Schism o Great Schism,[1] ang paghahati noong panahong mediebal ng Kristiyanismong Chalcedoniano tungo sa mga sangay na Silanganin(Griyego) at Kanluranin(Latin) na kalaunang nakilala bilang Simbahang Silangang Ortodokso at Simbahang Katoliko Romano.[2][3][4] Ang mga alitang teolohikal sa pagitan ng dalawang ito ay kinabibilangan ng Filioque, kung ang may lebadura o walang lebadurang tinapay ay dapat gamitin sa Eukarista,[5] pag-aangkin ng Papa ng Simbahang Katoliko Romano ng pangkalahatang hurisdiksiyon sa ibang mga simbahan, at ang lugar ng Constantinople sa pentarkiya.[6]
Noong 1053, ang unang hakbang ay isinagawa sa proseso na humantong sa pormal na paghahati. Inutos ng Patriarka ng Constantinople na si Michael Cerularius ang pagpapasara ng lahat ng mga simbahang Latin sa Constantinople.[7][8][9] Noong 1054, naglakbay ang Romanong legado patungo kay Cerularius upang itanggi ang titulong Patriyarkang Ekumenikal at pilitin ang pag-angkin ng Simbahan sa Roma bilang ang ulo at ina ng mga simbahan.[2] Tumanggi si Cerularius. Tiniwalag sa Iglesiya (excommunicated) si Cerularius ng pinuno ng pangkat na Latin, si Kardinal Humbert, samantalang tiniwalag din ni Cerularius si Kardinal Humbert at ang ibang mga legado.[2]
Ang paghahati ay nanatili sa mga linyang teolohikal, doktrinal, linggwistiko, pampolitika at heograpikal at ang bawat panig ay nag-akusa sa kabilang panig ng pagkahulog sa erehiya at pagsisimula ng paghahati. Ang mga Krusada, ang Masaker ng mga Latin noong 1182, paghihiganti ng Simbahang Kanluraning sa paglusob sa Thesalonica noong 1185, pagbihag at paglusob sa Constantinople noong 1204, at pagpapataw ng mga patriarkang Latin ang lalong gumawa sa pagkakasundo na mahirap. Ang pagtatatag ng mga hierarkang Latin sa mga estado ng nagkrusada ay nangahulugang may dalawang mga magkatunggaling tagapag-angkin sa bawat mga partiarkala na sede ng Antioquia, Constantinople at Herusalem. Ang Ikalawang Konseho ng Lyon noong 1274 at Konseho ng Florence noong 1439 ay nagtangkang pag-isahin ang dalawang mga simbahan. Sa kabila ng pagtanggap ng mga lumahok na delegasyon ng Silangan, walang epektibong pagkakasundo ang nangyari dahil ang Simbahang Ortodokso ay naniwalang ang mga akto ng konseho ay dapat pagtibayin ng mas malawakang Simbahan at mga akto ng konsehong ito ay hindi kailanman nagkamit ng malawakang pagtanggap sa mga simbahang Ortodokso. Noong 1484, 31 taon pagkatapos ng pagbagsak ng Constantinople sa mga Turkong Ottoman, ang synod ng Constantnople ay tumakwil sa Unyon ng Florence na opisyal na nagsasaad na ang posisyon ay nakuha ng Ortodokso sa pangkalahatan.
Mga sanggunian
Wikiwand in your browser!
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.