From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Aklat ni Susana[1] o Si Susana[2] ay isang aklat na deuterokanikong[2] naidagdag sa Aklat ni Daniel sa Lumang Tipan ng Bibliya nang maisalin ito sa wikang Griyego. Ito ang naging Kabanata 13 sa Aklat ni Daniel.[2] Isa itong maikling kuwentong ibinibilang sa mga "pinakamainam na maikling panitikan sa buong mundo." Kabilang sa mga paksa ng salaysayin ang "pagtatagumpay ng mabuti laban sa masama" at ang "pananampalataya sa Diyos." Inilalahad dito ang kung paanong ang isang maganda at butihing babaeng nagngangalang Susana ay naparatangan ng pangangalunya. Napawalang-sala siya mula sa mga paratang ng dalawang masasamang mga matatanda o hukom dahil sa karunungan at katapangang ipinakita ni Daniel.[1][3]
Nakabatay ang pagsasalinwika ng Aklat ni Susana mula sa salinwikang tinatawag na Pitumpu at sa Vulgata, kaya't naging kasunod ng Kabanata 12 (Taning na Panahon Upang Matupad ang Hula) ng Aklat ni Daniel. Ngunit nasa simula ito ng aklat kung babatay sa saling ginawa ni Teodocion, nasa panimula ito ng aklat.[2]
Binubuo ang Aklat ni Susana ng ganitong mga pagkakabaha-bahagi:[1]
Dalawa pang aklat na idinagdag sa Aklat ni Daniel matapos maisalin mula sa Griyego:[1][3]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.