Remove ads
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang pakikiapid o pangangalunya[1] ay ang pagsira sa kasunduan o pagsuway sa pangakong binitawan sa pagkakakasal sa isang tao sa pamamagitan ng pagkakaroon ng ugnayang seksuwal o pakikipagtalik sa iba pang tao, bukod sa sariling asawa.[2] Isa itong pagtataksil sa tunay at sariling asawa.[3]
Tinataguriang mga adultero (lalaki), adultera (babae), kalunyero (lalaki), at kalunyera (babae) ang mga taong nakikiapid o sumisiping sa ibang taong hindi naman nila legal na asawa, babae man o lalaki. Ang mga kaapid naman taong may-asawa ay tinatawag na mga kaagulo, kalunya[4], kulasisi (babae), kabit, mayang (mula sa wikang Ilokano), "number two" (pariralang Ingles na may diwang "pangalawang babae" o "pangalawang lalaking" pinipilingan), at patiki[3].
Sa Aklat ng Pahayag (nasa Pahayag 17:2) ng Bagong Tipan ng Bibliya, tumutukoy ang salitang pakikiapid bilang pakahulugan para sa "pagsamba sa mga diyus-diyosan", na may kaugnayan sa pagpapasamba sa mga "diyos ng Imperyo" ng Imperyo ng Roma sa kanilang mga nasasakupang mga mamamayan .[5]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.